Kakatapos ko lang i-send ang school schedule ko sa messenger kay ate. Hiniram ko ang phone ni Stell kasi low batt na pala phone ko. Nakacharge pa sa powerbank na nasa loob ng bag ko. Pareho kaming nandito ngayon sa school at papuntang faculty room. Nagkasalubong kami sa parking lot kanina.
Bitbit ko ang apat na plates kong tinapos ko lang lately. Muntik na matapon ni ate sa pag aakalang basura 'yon dahil hindi ko nagligpit ng maayos. While hawak naman ni Stell ang dalawang makakapal na folders. Sabi niya project daw nila 'yun. Siya nalang daw ang magpapasa kasi may lakad daw yung kapartner niya sa Spain.
Sanaol Spain.
Kumatok siya at bumukas sa amin ang isang may katandaang prof.
"Good morning po, Prof. Mendez." Sabay naming bati.
"Good morning din sa inyo," Nakangiti niya kaming pinapasok.
No wonder why all of the students love her. She always has this sweetest and genuine smile to all. Mabait din daw ito sa klase but nasa lugar din naman yung pagkaistrikto. Parang 50-50 yung atmosphere.
Pagkatapos naming ilagay sa table ang mga bitbit namin ay agad naman kaming lumabas. 7AM pa lang din naman kaya hindi pa masyadong madami ang tao sa school. Kadalasan ay tanghali o hapon ang dagsaan ng iba sa school. Rest day ng mga teachers ang buong linggong ito. It happens twice a year.
This is why I love this school. The owners really cares about the mental health of everyone not just for students, but also for the teachers. They deserve it anyway.
Bumili kami saglit ng kape sa Starbucks at nagkanya-kanya na ng daan. Walking distance lang naman talaga ang bahay nila Stell. Siguro mga 10-15 minutes ang distance kaya naglakad nalang din siya para makasave ng pera. Kaya lang naman yan nag jejeep o nagpapasundo kay Jah kasi tinatanghali lagi ng gising lalo na pag lunes kasi pati Saturday at Sunday ay may training kami hanggang 2AM.
Ako naman ay tumawid sa kabilang side para sumakay ng jeep papunta sa Ramirez Buildings. Mamaya ko pa makukuha ang final schedule ko for maybe five months, I don't know. Kasama na dyan lahat lahat pati ang buwang pahinga ni ate pagkatapos manganak.
"Para po!" Pagkababa ko ay inihanda ko na ang sarili ko sa bugbugan ngayong araw. Sabi ni ate, kapag busy week daw ay walang salitang pahinga. Pagkapasok mo pa lang, paperworks agad bungad sayo.
Ti-nap ko ang ID na for employees daw. May sariling daan at elevator daw for employees at for visitors para hindi magkastampede sa sobrang daming tao. Quarter to 8AM pa lang kaya sobrang aga pa. Ganitong oras dapat natutulog pa ako eh.
"Are you the new secretary?"
Kakapasok ko pa lang ng floor namin ay may babaeng sumalubong sa akin. Naka all black ito at walang emosyong nakatingin sa akin. Bakas pa rin naman sa mukha niya ang pagiging palangiti.
"Opo." Nagtatakang sagot ko.
"Follow me."
Nauna siyang naglakad at nagtataka pa rin akong nakatingin. Sumunod lang ako ng sinabihan ako ng In-charge sa floor ng "Go".
Nakita ko siyang pumasok sa isang elevator kaya agad akong tumakbo papasok. Paglabas ay parang hindi ko na alam kung saang mundo kami dinala ng elevator na 'yon. Hindi abot ang mga empleyado dito at puro taong nakasuot na itim lang ang mga nakikita ko. Hindi naman siguro ito yung daan papunta sa impyerno, 'no?
Tanaw ko pagkapasok pa lang ang mga naglalakihang screens na nakasabit sa gilid at may nakasulat na Ramirez Intel Department. May projector screen din sa pinakaharap na parang main screen para tanaw ng lahat.
Lahat ng desk ay may nakaupong tao na busy sa pagtatype ng kung ano ano. Walang kahit na sino ay may nakapansin o tinapunan man lang ako ng tingin. Halos walang pakealam at nakatutok lang ang atensyon sa computer.
YOU ARE READING
Lost In Your World (SB19 SERIES #1)
FanficI'm lost but I will keep on going back to you.