28

98 2 0
                                    

Nagulat ang lahat nang makitang kasunod kong pumasok sa pinto si Jane. Kakasimula pa lang nilang mag warm up kaya iginiya ko na muna siya sa may gilid para paupuin at saka naman ako magmamadaling nagbihis sa likod.

Pagkatapos kong magbihis ay saka naman ako sumali sa warm up nila. Kadalasan ay 15-20 minutes lang ang itinatagal ng warm up namin, tama lang para hindi mabigla ang katawan.

Maya't maya naman ang lingon ko sa kanya para tingnan. Minsan kasi ay nagmamadali siyang lumabas tapos ilang minuto lang ay papasok na ulit then lalabas then papasok.

Papatapos na kami nang makita ko siyang nakatayo dala ang bag niya. Iilang minuto nalang naman ay mag eend na ang music.

"End na. Bumalik kayo dito bukas by 1pm kase magrerecord na kayo sa kanta niyo. Next month ay aayusin na natin ang lahat para makapagshoot na tayo for our first Vlog sa South Korea. Further announcements and informations will be discussed tomorrow by Sir Charles. Keep safe everyone! Ingat sa pag-uwi!" Mahabang sabi ng manager namin.

Lumapit ako kay Jane habang nagpupunas ng pawis.

"Uuwi ka na?" Tanong ko.

"Hindi pa. May urgent thing lang akong gagawin. Hinintay ko lang kayo matapos bago para makapagpaalam." Aniya saka inayos ang pagkakakabit ng bag niya.

"Pwede mo naman akong i-text nalang. Baka kelangan ka na dun." Sabi ko. Hinintay niya pa talaga kaming matapos.

"Yeah. Mauuna na ako. I'll see you next week." Tumalikod na siya at sandaling huminto sa may pinto. "I'll go ahead guys! Ang galing niyo!"

Kumaway at nagpaalam lang ang mga kasama ko saka siya tuluyang lumabas na.

"Anong oras na ba?" Kanya kanya namang tingin sa orasan ang lahat.

"Malapit na pala mag 11pm." Saad ni Stell at saka tumayo para uminom ng tubig.

"Uwi na ako. May gagawin pa ako e." Paalam ko sa kanila.

Kanya kanya naman silang tayo at ligpit ng mga gamit. Agad akong lumabas ng studio at dumiretso sa parking lot para umuwi.

Pagkauwi ko ng bahay ay naligo ako kaagad. Pagkatapos ay saka ako naupo sa gaming chair ko. Nag isip ako ng gagawin ko. Maghahating-gabi na at ramdam ko naman ang pagod ng katawan ko pero hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Ayoko naman gumawa ng plates ngayon, dalawa lang naman 'yon. Pwede pa 'yon gawin bukas. Hehehe.

Naisipan kong nalang lumabas at maglakad lakad. Kinuha ko ang jacket ko at saka isinuot.

Malamig ang hangin at hindi na masyadong marami ang tao ngayon dito sa labas. May mga bukas pa namang mga convenience stores. Naisipan kong pumasok at magtingin tingin ng mga makakain.

Chips. Green peas. Drinks. Ice cream.

Kumuha ako ng isang ice cream at saka naglibot libot pa. Nang wala na akong makita ay dumiretso na ako sa cashier at nagbayad.

Pagkalabas ko ay sakto namang may table na bakante. Medyo likod na part iyon pero natatamaan pa rin naman ng ilaw galing sa labas at sa loob. Sakto lang para maliwanagan ang pwesto ko.

Inilabas ko ang phone ko at saka nanood ng Anime habang kumakain.

"Madam, kinailangan mo nang bumalik sa Village." dinig kong sabi ng isang lalaki sa likuran ko.

Masyado silang malapit sa pwesto ko pero hindi totally na nasa likod ko. May mga lagayan ng beer ang nasa likod ko at sobrang taas nito na para bang nagiging pader na din kaya hindi rin makikita kung anong nasa likod pa nun.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now