"So far, umeepekto naman ang gamot na binibigay namin sa kanya. Binawasan lang namin ang dosage kumpara sa nireseta namin noong nakaraan dahil matanda na rin si Lolo.. maaaring hindi kayanin ng katawan niya ang gamot kaya maigi na rin 'yon. At since medyo okay naman siya ngayon, hindi na rin problema kung bawasan ang gamot na maintenance niya." Sabi ng doktor at may mga pinagsasasabi rin siyang tungkol sa mga pagkain na pwede at hindi pwedeng kainin ni Lolo.
Pagkatapos umalis ng doktor ay saka lang din ako nagpaalam na lumabas para magbayad ng bill ni Lolo. Makakalabas na rin naman daw siya sa Lunes since under observation pa siya ngayon.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa bill ni Lolo. Umabot agad sa 40k ang bill eh iilang araw pa lang naman siya dito. Napakamahal talaga ng ospital na 'to!
Pagkatapos kong magbayad ay bumalik ako sa kwarto ni Lolo bago lumipat sa kwarto ni Ate. Palakad lakad siya ngayon at nakaalalay naman sa kanya si Papa.
"Bayad ko na ang bill ni Lolo, Pa. Bayad na rin kay Ate." Sabi ko at mabilis namang ngumiti si Ate pero agad rin 'yon napalitan nang makaramdam ng sakit.
"Salamat anak. Buti naman at mabilis kang nakarating dito." Si Papa habang nakaalalay pa rin kay Ate.
"Oo nga po, may available din kasing flights kaya agad ko na ring kinuha. Mas better nga kase maya-maya pakiramdam ko lalabas na pamangkin ko." Nakangiting sabi ko.
"Ikaw na muna dito at papauwiin ko na din muna si Mama mo. Pinsan mo lang ang kasama ni Lola mo sa bahay." Aniya at mabilis naman akong pumalit sa pag alalay kay ate.
Hindi nga ako nagkamali at ilang oras lang ay nanganak na nga si Ate.
Masaya ko itong ibinalita kina Mama at ganun rin ang tuwa ni Papa. Ramdam ko ang pagod ng katawan kaya hindi na ako nagtaka kung mabilis akong nakatulog.
Nagising ako nang makaramdam ng gutom. Bahagya akong nag inat at bago pa man ako makapagsalita ay amoy na amoy ko na ang mabangong pagkain.
"Kain na anak!" Nakangiting aya ni Mama at napatingin naman ako sa phone ko para tingnan ang oras. 1:48PM.
"Sorry, Ma. Nalate ako ng gising. Saan si Ate?" Tanong ko nang mapansing wala si Ate sa higaan niya.
"Ayos lang, 'nak. Alam naming pagod ka." Bahagya siyang huminto sa pagsasalita at itinapon ang plastic sa basurahan. "Nasa Nursery ang Ate mo. Tinitingnan ang anak niya."
"Ano ipinangalan niya?" Tanong ko ulit saka naupo sa bakanteng upuan.
"Cloud Skylar daw," natawa ako at tinotoo nga ni Ate ang sabi niya dati noong nalaman niyang buntis siya.
//Flashback...//
Kakahupa lang ng sigawan at iyakan sa kusina ng mga magulang ko at ni Ate. Nalaman kasi nila na nabuntis siya at tinakbuhan ng lalake. Ayaw niya rin sabihin kung sino ang lalakeng bumuntis sa kanya.
Hindi naman galit sila Mama at Papa dahil nabuntis ang kapatid ko kasi nasa tamang edad naman na siya. Ang ikinagagalit lang daw nila ay 'yung pagiging duwag ng lalake dahil hindi daw nito kayang panindigan ang responsibilidad pagkatapos ng panandaliang sarap.
Mahina akong kumatok sa pinto ng kapatid ko. Dinig ko pa rin ang mahinang iyak niya sa loob.
"Ate? Pwede ba ako pumasok?" Malumanay na saad ko. Hindi siya sumagot kaya dahan dahan kong binuksan ang pintuan para sumilip at pumasok.
"Bakit?" Aniya saka binuksan ang maliit na ilaw sa gilid niya.
"Gusto mo kumain?" Nakangiting sabi ko. Sabi kasi nila mahilig daw kumain ang mga buntis eh.
Natawa siya sa akin at saka umayos ng upo.
"Sira! Akala ko kung anong sasabihin mo," nagpapahid pa siya ng luha habang natatawa pa rin.
"Nagsearch ako kanina tapos ang sabi mahilig daw kumain ang mga buntis. Kaya bilang pampagaan ng loob pagkatapos ng sigawan niyo kanina, ibibili nalang kita ng pagkain." Nakangiting sabi ko.
"Talaga?"
"Oo ngaaa! Dali na habang maaga pa!" Kunwaring naiinis na sabi ko.
"Sige na nga." Sandali pa siyang nag isip bago ngumiti ng pagkalawak lawak. "Gusto ko ng cokefloat, fries, spaghetti from Jollibee and siomai galing kina Aling Judith." Parang batang sabi niya.
Agad akong lumabas para bumili. Kina Aling Judith ako dumiretso dahil yun ang mas malapit para magpaluto ng siomai tapos sunod sa Jollibee. Pang maramihan ang binili ko para siguradong busog. Makikikain rin ako eh.
Wala pang isang oras ay nakauwi na ako. Hindi naman karamihan ang tao sa labas since gabi na rin.
Dumiretso ako sa kwarto ni ate at naabutan ko siyang nagcecellphone. Tuwa tuwa siyang tumayo sa kama at excited na lumapit sakin. Naupo kami sa mini table niya sa gilid at agad na nagsimulang kumain.
Nagkukwentuhan kami tungkol sa childhood namin bago ko naisipang itanong sa kanya kung anong ipapangalan niya sa anak niya.
"Gusto ko Cloud Skylar," aniya na parang matagal niya na itong pinag-isipan.
"Bakit parang isinalangit mo naman ang pangalan?" natatawang sabi ko. Cloud na nga Sky pa. Heaven 'yarn?
"Actually, kaya Cloud Skylar ang pangalan na gusto ko para kapag tinanong ako kung nasaan ang tatay niya," saglit pa siyang sumubo ng fries bago nagpatuloy, "sasabihin kong sumakabilang babae na.. o kaya iniwan kami bigla sa ere."
"Sumakabilang babae?" Gulat na tanong ko.
"Oo. Manloloko eh." Kaswal na sagot niya. "Akala niya hindi ko alam na may mga kabit siya. Akala ko rin na kapag sinabi kong magkakaanak na kami ay mas pipiliin niya kami, pipiliin niya ako. Pero hindi eh. Tarantadong 'yon. 'Wag lang siya magkakamaling magpakita sa'kin, sa morgue destinasyon niya pagkatapos."
"Cloud Skylar... ang angas pakinggan. Parang yayamanin." Sabi ko nalang at natawa kami pareho.
/End of Flashback.../
Napangiti ako habang tinatanaw si Ate na masayang karga karga ang anak niya. Buti nalang daw mas kamukha niya ang bata kesa sa tatay.
"Ikaw na muna kumarga, Ken. Kakain lang ako." Biglang baling niya sa akin. Excited akong lumapit sa kanya at kinarga sa mga bisig ko ang napaka-cute na bata.
Hindi ko alam pero kusa akong napangiti habang tinititigan si Cloud. Ang cute niya kasi. Bigla bigla ngumingiti na para bang ang saya saya niya.
YOU ARE READING
Lost In Your World (SB19 SERIES #1)
FanfictionI'm lost but I will keep on going back to you.