29

67 4 3
                                    

Pagkarating ko sa parking lot ng condo ay hindi na muna ako bumaba. Nanatili akong nakaupo at tulala lang. Hindi ko alam. Ramdam ko ang pagod ng katawan ko kahit na wala naman ako masyadong ginawa kanina.

Pagkatanggal ko ng seatbelt ko ay saka naman tumunog ang phone ko.

RID, GAVIN:

Hey. I know you don't know me yet. But this is Gavin from Ramirez Intel Department. The Head of RID wants to see you. Be here before 9:30 pm. Sayonara!

Napatingin ako sa oras at malapit na at 8:58 pm na. Agad kong isinuot ulit ang seatbelt at saka mabilis na nagmaneho papunta sa likod ng company. Pinakita ni William sa'kin to dati. Hindi ko na kailangan pang dumaan sa main entrance.

9:15pm.

Patakbo akong pumasok sa loob at pagbukas ko ng pinto sa dulo ay ang bukas na elevator agad ang bumungad sa akin. Isinuot ko rin ang RID ID ko. Buti nalang at nasa sasakyan lang 'to palagi.

Kusang bumukas ang pinto ng Department pagkarating ko sa harap. Hindi kaya may sensor 'to?

9:20 na at nalilito ako saan ako gustong makita ng Head daw ng RID.

"Felip Jhon?" May lumapit sa aking lalaki na naka glasses. Naka black suit at may hawak na iPad.

"P-po?" Takang sagot ko.

"I'm Gavin. Ako 'yung nagtext sayo kanina. Kanina pa naghihintay si Mr. Kamado sayo. Let's go?" Aniya at saka mabilis na tumalikod.

Hindi man lang ako pinasagot bago ako tinalikuran.

Pag-akyat namin sa hagdan ay lumiko kami pa-kaliwa. Then akyat ulit sa hagdan na nasa gitna at saka sumalubong sa amin ang kulay Silver na pinto. May nakalagay rin na signage.

Umeda Kamado, Head of Ramirez Intel Department

Kumatok muna si Gavin at isang lalaki naman ang bumukas nito.

"He's here." Aning Gavin at saka tumango bago tinapik ang balikat ko saka umalis.

"Come in. He's waiting for you." Malalim ang boses nito at saka tumango sa akin bago pumasok sa isang room sa gilid.

"Felip Jhon Suson?" Bahagya akong nagulat sa biglang tawag ng buo kong pangalan.

Inilibot ko ang paningin ko sa kung saan nanggagaling ito.

"I'm right here." Pagsasalita nito ulit at saka umikot ang swivel chair na inuupuan nito.

"Good evening, Sir." Tumango ako gaya ng mga nakikita ko sa labas.

"Please take a seat." Turo niya sa upuang nasa harap. Kaswal akong umupo at saka tumingin sa kanya.

"May I ask why do you want to see me, Sir?" Magalang kong tanong.

"First of all, I want to apologize for asking you to come here right away. Alam kong pagod ka pa galing practice." Aniya at nagulat naman ko.

"O-okay lang po. Part of my job." Sambit ko.

"I'm going to ask you a question..." dahan dahang kumunot ang noo ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya. "Are you busy this week?"

"Hmm... Bukod po sa may pasok ako both sa school at sa company ay wala naman na po. So far ay mahigpit talaga ang schedule ko pero na-mamanage ko naman na po. Bakit po ba?" Sagot ko.

"And your job is to be with Miss Ramirez. You're his secretary, right?" Tumango ako bilang sagot. "You're his assistant, but why are you still here?"

Nalilito ako sa tanong niya. Why am I still here? Ha? Bakit? Saan ba dapat ako pumunta?

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now