Nagising ako sa liwanag na tumama sa mukha ko. Nandito ako sa sofa natulog at hindi na nakauwi dahil baka inaabangan pa rin ako ni Gia na lumabas. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa itaas ng TV. Alas onse?!
Napabalikwas ako sa hinihigaan ko at kasabay nun ang pagsarado ng pinto. Si Jane habang sapo ang ulo at nakapikit.
"Masakit 'no?" Asar ko at tiningnan niya lang ako ng masama.
"Kumain ka na?" Tanong niya habang nagtitingin ng pagkain sa ref.
"Hindi pa. Kakagising ko lang din." Matipid kong sagot at naupo sa stall na nasa harap ng counter.
"Hindi pa pala ako nakakapaggrocery." Mahina niyang bulong ngunit narinig ko naman.
"Edi maggrocery tayo!" Nakangiti kong sabat.
"Ayos ka na? Wala ka nang lagnat?" Aniya at pinakiramdaman ko naman ang sarili ko.
"Mmm, wala na." Parang batang umiling pa ako.
"Baka masinat ka ah?" Tiningnan ko pa siya ng nang aasar. "What?" Asik niya.
"Nag-aalala ka sa akin 'no?" Nagtaas baba pa ako ng kilay at nginiwian niya ako.
"Tss. Manahimik ka nga." Muling asik niya kaya napatawa ako.
"Umuwi ka na muna at magbihis ka. Try mo maggrocery din." Utos niya kaya napatayo na ako. Medyo nagugutom na rin ako pero baka sa labas ko nalang siya aayain.
"Sige. Hintayin nalang kita sa lobby." Pahabol ko at saka dinampot ang phone ko sa center table. May sampung text at tatlong missed calls si Gia pero hindi ko na ito binuksan pa.
Bahala ka sa buhay mo!
Ang kotse ko ang ginamit namin dahil ayaw niyang magdrive. Masakit pa rin daw ang ulo niya dahil sa hang over.
"Daan muna tayo sa drive thru. Bili tayo pang lunch." Mahinahong sabi niya kaya tumango ako. Medyo gamay ko na rin ang pagdadrive ng kotseng 'to kahit na minsan ay kinakabahan pa rin ako.
"Two spaghetti, two rice with chicken and two drinks, please." Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang tanggalin ang seatbelt niya at saka lumapit sa bintana ko para umorder.
Nanunuot sa ilong ko ang bango niya at naninibago ako sa kilos niya. Kung dati ay hindi niya ako madalas tinitignan, ngayon konting tawag ko lang sa kanya ay mabilis na umaangat ang ulo niya. Sa loob ng isang linggo, nakikita ko ang pagbabago ng mga emosyon niya na sa tingin ko ay sa akin niya lang pinapakita. Hindi siya basta bastang nagagalit pero kahapon ay nagawa niyang pagbantaan si Mr. Perez.
Sinubukan kong hindi pansinin ang posisyon namin at tumikhim. Pwede namang ako nalang ang umorder.
Lumipat kami sa kabila para kuhanin ang order namin. Pagkatanggap nila ng card na binigay ni Jane ay halos mabilaukan ako sa sarili kong laway sa sinabi ng crew.
"You two look good together." Aniya at animong kinikilig pa.
"H-ha?" Natigilan ako at saka napalingon sa gilid ko kung saan mahina siyang tumatawa.
"Thank you." Sumubo siya agad ng kanin at hindi na nagsalita.
P-para saan ang thank you?! Sa pagkain o sa compliment?!
Gusto kong kiligin pero ayoko mag assume na sa compliment ng crew siya nagpasalamat. Naman oh! Nakaramdam ako ng panghihinayang.
Mabilis kaming nakarating sa Supermarket pero nanatili muna kami sa parking lot para kumain. Kinulang pa nga ako sa inorder namin pero wala na akong nagawa dahil hindi naman ako ang nagbayad nun. Nakakahiya pa dahil ako ang lalake sa amin pero siya pa palagi ang nagbabayad.
YOU ARE READING
Lost In Your World (SB19 SERIES #1)
FanfictionI'm lost but I will keep on going back to you.