LUNES na at para akong hinihila ng kama ko para bumalik sa pagkakatulog. Gusto kong matulog magdamag kaya lang may long quiz daw kami mamaya kaya wala akong choice kung hindi ang pumasok.
Pinostpone muna ng mga boss namin ang meeting dahil sa nangyari sa akin kahit na ilang beses kong sinabi na okay na ako. Buong araw lang akong nagstay sa bahay at puro delivery ang foods ko dahil nga hindi ako marunong magluto. Dapat nga siguro mag-aral na ako kasi chance na din naman na 'tong mag-isa ako.
Pagbaba ko sa lobby ay sakto din naman ang paglabas ni Jane na parang may kinakalkal sa bag niyang nakasabit sa braso niya.
"Good morning, Jane." Nakangiti kong bati at agad naman siyang napalingon.
"Mm. Good morning!" Nakangiti niya ring tugon. Madalas na siyang ngumiti kapag ako ang kaharap at nakakatakot naman tumingin kapag nasa opisina na. "Papasok ka na ba?"
"Oo. Malelate na nga ako eh." Natatawang sagot ko at napailing naman siya.
"Sumabay ka nalang sa akin. May meeting din ako sa school niyo." Aniya kaya napahinto ako ng makitang limousine ang nakaparada sa labas.
"Hindi na. Nandito yung susi ng kotse ko." Sagot ko at pinakita sa kanya ang susi na hawak ko.
"Kapag sumakit ang ulo mo hindi ka makakapagfocus sa pagmamaneho lalo na at beginner ka pa at walang proper lessons." Hindi ako nakasagot sa kanya.
"Edi wala naman akong masakyan pauwi?"
"Give the keys to William. Siya nalang magdadala ng kotse mo sa school."
Hindi pa ako nakakasagot ay kinuha niya na ang susi at pabatong binigay kay William na agad din namang sumunod.
"Babi!" Mabilis pa sa alas kwatro ang pagkilos ko ng marinig ang sigaw ni Gia.
"Tara na!" Agad kong hinila papasok ng kotse si Jane at mabilis namang pumasok si Jeremy sa driver's seat.
"Bakit ba lagi mong iniiwasan 'yun?" Pagbasag ni Jane sa katahimikang namuo sa pagitan namin pagkatapos ko siyang hinila papasok ng limousine.
"Long story." Matipid kong sagot.
"Then make it shorter."
"Malapit na tayo sa school. Hindi kakasya ang oras." Natatawang sambit ko.
"Kakasya 'yan. Para naman aware ako sa rason kung bakit ako nahila diba?" Pabiro niyang sagot. She can now tell jokes when she's with me. Isang linggo pa lang kaming nagkasama at ang talim niya pa tumingin sa akin nung una.
"Gia is my childhood friend. Bestfriend din siya ni Ate Jackie dati pero nasira noong minsang maaksidente ako five years ago dahil sa kanya. Tatlo kaming madalas na magkasama dahil sa ayaw akong iwan ni Ate sa bahay. Madalas ay wala akong kasama bukod sa mga tito at pinsan ko." Tahimik lang siyang nakikinig sa akin kaya pinagpatuloy ko ang pagkukwento. "Inaya ako ni Gia na samahan siya sa Mall para bumili ng school supplies. Pagkarating namin sa Mall ay biglang nagkagulo sa groud floor at kami ay nasa third floor dahil nandoon ang kailangan niya. Dahil sa dakilang chismosa siya ay hinila niya ako pababa-"
"Saang Mall?" Biglang putol niya sa akin.
"Carson Mall. Sa may-" ramdam kong natigilan si Jane sa sagot ko. "O-Okay ka lang?"
"Y-Yeah. Ah.. n-nandito na tayo." Aniya at mabilis na inayos ang sarili kaya napalingon ako sa labas.
Kinuha ko ang bag ko sa katapat kong upuan pero nagulat ako ng bumukas ang Main Gate ng school. Hindi ko pa nakitang bumukas iyon at ang sabi nila ay sa mga stockholders lang ng school na 'to bumubukas ang gate. Malaki ang gate na ito at hindi basta bastang mabubuksan ng tao gamit ang kamay dahil ang gamit dito ay teknolohiya.
YOU ARE READING
Lost In Your World (SB19 SERIES #1)
FanfictionI'm lost but I will keep on going back to you.