"The board members are waiting for you, Miss." Sabi ko.
Saglit siyang tumingin sa relos na nasa kamay niya bago inangat ang tingin sa akin.
"Okay. I'll be there." Agad siyang tumayo at kinuha ang bag niya.
Pagkapasok namin sa Conference Room ay napuno iyon ng mga tao. Siguro nasa lagpas sampu kaming nandito kasama na yung mga sikat ba Engineers at Architects. Sheesh!
"Good morning. What's the meeting all about?" Agad akong naupo sa bandang likuran ni Miss Ramirez. Namutawi saglit ang katahimikan sa buong room.
Bakas na naman sa mukha niya ang pagkamasungit at walang emosyong mukha.
"What? Magtititigan nalang ba tayo dito? Speak up! Madami pa akong gagawin!" Nagkanya kanya ng tikhim ang mga nasa loob habang ako ay napatuwid ng upo.
Agad na tumayo ang isang naka formal attire na babae para magsimula. Representative ata 'to.
"As you can see Miss Ramirez, last week may gumuhong building na ginagawa ng grupo nila Dizon and isa na naman ngayon." Aniya at tumikhim.
"What?!" Gulat na sigaw ni Miss Ramirez. "Paano?!"
"We are also confused why kase our materials are from Brazil. Matitibay at magaganda ang quality ng mga materials na hindi basta bastang nasisira at guguho. Malaki ang epekto nito sa ratings natin dahil itong dalawang buildings na ito ay pinapatayo ng dalawang sikat na tao." Aniya at nagflash sa harap ang mga litrato ng mga gumuhong buildings.
"Nakapag imbestiga na ba kayo? May mga nasaktan ba sa mga workers?" Sunod na sunod niyang tanong.
"Yes, Miss. Nakipag ugnayan na din po kami sa mga experts if may problema ba talaga sa mga materials natin and also sa mga suppliers natin. About the workers naman po ay wala naman pong nasaktan."
"Good. Hand me all of the results before Friday." Sabi niya at sumenyas ng next.
Nakikinig lang ako sa meeting nila at nagtetake notes din kung kinakailangan. Maybe magamit ko ren sa school soon.
Biglang nagvibrate ang phone ko at nagtext na nga si Kuya Yani. He's in the lobby na daw.
"Excuse me, Miss Ramirez. Can I go out po saglit? Mr. Julian de Dios is already outside."
"Alam na niya pasikot sikot sa building na 'to. Don't go. Stay there."
Don't go... Literal akong napabalik ng upo. Bakit pa ba kailangang sabihin 'yon? Nanahimik nalang ako at halos di ko na malaman ang gagawin.
Nanatili ako sa upuan ko hanggang matapos ang meeting at ginawa na ang mga dapat kong trabahuin. Mabilis lang din naman lumipas ang oras.
"Kelan ka pa nandito, Ken?" Tanong ni Kuya Yani ng magkasabay kami sa elevator.
"Kanina lang Kuya. Temporary lang din naman. Umuwi si ate eh." Sagot ko.
"Saan? Sa Cagayan o Zamboanga?"
"Zamboanga. Tutulong daw siya kay Lolo alagaan si Lola tapos pregnancy leave niya din kaya mas lalo akong magtatagal pa dito."
Tumango siya at naging tahimik na kami hanggang sa makarating sa parking lot.
Shit! Paano ko pala imamaneho yung sasakyan? Hindi ko alam paano paandarin 'yon!
"Una na ako ah? Susunduin ko pa si Jah." Akmang papasok na si Kuya Yani nang pigilan ko siya.
"Ay Kuya! Wait lang. Pwede pafavor?" Napakamot ako sa ilong ko sa hiyang nararamdaman."Pwedeng papuntahin mo dito si Justin? May kailangan lang ako sa kanya tutal dun ka na din naman pupunta." Sagot ko.
YOU ARE READING
Lost In Your World (SB19 SERIES #1)
FanfictionI'm lost but I will keep on going back to you.