Friday.
Huling araw na ito. Sa lunes ay magsisimula nang magbago ang schedule ko. Pero alam ko pa rin sa sarili kong makakaya ko 'to.
Gumising ako kanina na sobrang taas ang lagnat. Hindi ko alam kung bakit ako nilalagnat ngayon. Siguro dahil sa pagbabago ng klima ay hindi nakisama ang katawan ko. Sobrang bigat ng ulo ko at tuwing yuyuko ako ay parang tutulo ang sipon ko.
"Sa RID muna tayo." Matipid na sabi ni Jane habang naglalakad kami papasok ng building.
"Balita?" Aniya. Nanatili lang akong tahimik.
"Natrace na namin ang sasakyan at nandoon na ang ibang tauhan natin para kumuha ng informations." Anang sabi ng isang staff.
"Make it fast. Tell them na 'wag gagawa ng gulo. Keep it safe and clean." Si Jane. Tumango lang ang mga staff doon at bumalik na sa trabaho.
"Okay ka lang ba?" Pormal na tanong niya. Papalabas na kami ng Department.
"Oo. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko." Sagot ko at nagulat naman ako ng bigla siyang tumigil.
"Hindi naman pala maganda ang pakiramdam mo.. ba't pumasok ka pa?" Animo'y galit na sabi niya.
Nagulat naman ako sa biglang asta niya.
"S-syempre.. trabaho ko 'to.. tsaka Friday naman na ngayon.. okay lang." Hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko dahil paos ako. Pakiramdam ko tuwing magsasalita ako ay pipiyok ako.
"Magpahinga ka na muna."
"Hindi na. Okay lang ako."
"Magpahinga ka. Ayokong lalamya-lamya ang kilos." Aniya. Hindi na ako nagpumilit pa at pakiramdam ko ay babagsak na ako.
Dumadag sa sama ng pakiramdam ko ang lamig ng aircon sa building na to. Bawat sulok ay may aircon kaya sobra akong nilalamig. Nakajacket na ako't lahat ay nanginginig pa rin ako. Pinagpapawisan rin ako ng matindi at ramdam ko bawat butil nito sa noo at likod ko.
"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong niya.
"Hindi pa. Nagmamadali akong umalis kanina kaya pati breakfast ay hindi na ako nakakain." Sagot ko at bahagyang umubo. Sobrang kati ng lalamunan ko.
Hindi siya sumagot at nagsimulang magpindot sa remote na hawak niya. Hindi ko alam kung sa aircon ba 'yon. Agad akong naupo sa sofa niya at hindi na mapigilan ang sarili kong matumba nalang.
Kumuha siya ng Thermometer at saka kinuhanan ako ng temperatura.
"What the?! 40?! Seriously? Ano bang pinaggagagawa mo?" Bulalas niya. Halos hindi ko na madilat ang mga mata ko sa sobrang bigat.
Alas dose na kami nakauwi kagabi dahil sa ayaw kami paalisin ni Tita. Minsan lang daw kami magkita.
"Jayden!" Rinig kong tawag niya sa labas. "Pakibilhan ako ng breakfast sa labas. Bilisan mo!"
"Yes Ma'am!"
"Kukuha lang ako ng towel sa sasakyan. Magbihis ka. May mga extrang damit dyan sa closet ko.. kumuha ka nalang." Aniya at nagpindot sa isa pang remote para isara ang glass wall niya. Hindi na kami kita sa labas.
Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakapikit. Ilang minuto akong nanatili sa ganoong posisyon bago naisipang tumayo. Ramdam ko na ang bigat ng katawan ko at nahihilo ako pero sinikap ko pa ring maglakad papunta sa closet niya.
Tumambad ulit sa akin ang mga damit niyang puro itim. Oversized naman lahat at tingin ko ay pu-pwede na sa akin. Dahan dahan kong hinubad ang jacket at damit nito sa ilalim.
Saktong pagsuot ko ay narinig kong bumukas ang pinto kaya kinakabahan kong nilingon iyon.
"Shit! Sorry!" Natataranta niyang sabi at diretsong tumalikod.
YOU ARE READING
Lost In Your World (SB19 SERIES #1)
FanfictionI'm lost but I will keep on going back to you.