27

130 6 3
                                    

It's been a week simula nang manganak si Ate. Nakabalik na rin ako dito sa Manila at back to reality na naman ako. Sinong mag-aakalang mag iisang buwan na ako dito? Nakapag adjust na rin naman ako sa schedule ko at since Friday ngayon ay halfday lang ako.

Nakaupo lang ako dito sa gilid habang hinihintay matapos itong meeting ng mga board members. Every end of the month daw kasi kay nagrereport sila kung ano ang mga updates.

Hindi na ako nakinig dahil wala rin naman akong maintindihan sa mga pinagsasasabi nila. Inabutan na lang ako ni Sheena ng kape.

"Good job everyone! Thank you for your presence here. This meeting is adjourned." Agad naman akong tumayo at sumunod kay Jane palabas pagkatapos niyang magpaalam.

Mag-aalas dose pa lang ng tanghali kaya medyo ramdam ko na rin ang gutom.

"Wala ka bang klase?" Tanong ni Jane.

"Meron. Pero mamayang 6pm pa." Sagot ko.

"What do you want for lunch?" Aniya at pumasok sa office niya.

"Chicken." Nakangiti at parang bata na sabi ko.

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o hindi pero nakita ko siyang ngumiti ng maliit.

"Okay, then."

Hindi naman na ako nakapagsalita at nanatiling nakatayo. Hindi ko alam kung bakit ganito kalakas ang epekto ng mga ngiti niya. Sa halos isang buwan ko dito, bilang pa lang sa mga kamay ko nga pagngiti niya na alam kong ako pa lang ang nakakakita.

"Do you want Jollibee?"

Base sa mga kasama ko dito sa palapag na 'to ay hindi pa daw talaga nila nakikita si Jane na nakangiti. Madalas ay walang expression ang mukha at galit.

"McDonald's?"

Ako lang din daw ang tumatawag sa kanya by her name kaya madalas ay nasasaway ako na walang galang sa boss.

"Felip."

Pinapaliwanag ko naman na siya ang nagsabi na 'yon ang itawag ko sa kanya-

"Suson!" Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang sumigaw. "Kanina pa kita tinatanong!"

"H-ha?"

"I'm asking you kung anong gusto mo. Jollibee or McDonald's?" Nagkasalubong na ang mga kilay niya habang masama ang tingin sa akin.

"Gusto ko? Ikaw." Bigla naman akong napaayos ng tayo nang ramdam kong napipikon na siya. "Joke lang. A-ano... Jollibee nalang."

Bumuntong-hininga muna siya bago ako sagutin. "Okay."

Umupo ako sa visitor's area niya saka kumuha ng prutas sa center table. Naalala ko noong nakaraan na binato niya sa akin ang vase na mukha pa namang mamahalin sa sobrang pikon.

I don't know but I love pissing her off. Natutuwa akong panoorin ang iba't ibang reaksyon sa mukha niya.

Komportable akong nakahiga sa sofa habang nagbabasa sa mga notes ko sa phone nang biglang may kumatok sa labas. Napatayo ako at agad na binuksan ang pinto.

"Thank you po!" Nakangiting sabi ko pagkatanggap ko sa paperbag. Hindi ko pa nabubuksan pero amoy ko na yung pagkain sa loob.

"Let's eat." Nauna siyang umupo sa may mini dining area niya.

Walang ganito sa office niya dati pero simula nang sabay na kami maglunch kay nagulat nalang ako na may mini dining area na siya.

"Saraaaaap!" Mahinang sabi ko habang nilalabas isa isa ang mga pagkain.

PAGKATAPOS naming kumain ay agad kong niligpit ang mga gamit ko. Half day lang ako ngayon dito sa office at pag uwi mamaya ay magrereview pa ako.

Nagpaalam ako sa lahat at umuwi na. Hindi naman busy ngayong araw kaya hindi rin mabigat ang trabaho ko.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now