Tumagal ng halos tatlong oras ang meeting at pagpaplano. Pagkatapos nun ay agad na rin kaming pumunta sa dining hall para kumain. Napansin ko na dalawa ang dining hall nila dito. Left side para sa maramihang bisita at saka sa kabilang side which is ang pampamilyang hapagkainan.
"After lunch ay aalis na tayo." Sabi ni Jane.
Tumango lang ang lahat ng sasama sa kanya. Kami namang hindi ay tahimik lang at patuloy na kumakain.
"Felip..." Tawag niya sa akin. Nanindig ang balahibo ko sa simpleng pagbanggit niya sa pangalan ko. Pakiramdam ko ay ito ang unang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Yes, Jane?" Pinilit kong 'wag mautal. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
"Come to my office after this." Aniya at saka tumayo.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at saka napatingin sa iba. Nakangiti sila at parang nanunukso. Meron namang nakangiwi at merong patuloy lang sa pagkain.
Pagkarating ko sa harap ng pinto ng opisina niya ay bahagya akong huminga ng malalim.
"Come in." Marahan kong binuksan ang pinto at saka pumasok. "Sit down."
"Ano 'yun, Jane?" Magalang kong tanong.
"I will be gone for... maybe a week. I want you to take care of the Reports, emails, and all. And for the meetings, I want you to re-schedule it next week. 'Yung Reports and Emails yung importante. Ibibigay mo 'yun kay Dad." Aniya saka iniabot sa akin ang mga folders. "Sort this out tapos ibigay mo kay Sheena. Kukunin niya to sayo mamayang gabi."
Tumango ako at saka isa isang tiningnan ang loob. Dami!
"You can use that room para sa trabaho mo." Turo niya sa isang pinto sa likod ko. "Konektado 'yan sa bakanteng office room."
"Copy, boss." Tanging sagot ko nalang. Agad ko na ring binuhat ang mga files ko at saka pinasok sa magiging office ko.
Malinis at maganda ang paligid.
Umupo ako sa swivel chair at agad na inilapag sa mesa ang mga hawak ko. Tinanaw ko si Jane na nakatayo pa rin at tulala sa pwestong tinayuan ko kanina.
Iilang minuto pa ay biglang lumipat ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam pero bigla rin akong napaiwas ng tingin at nagkunwaring may ginagawa.
Mag aalas singko na nang hapon ako natapos sa ginagawa ko. Mabilis lang naman at saka madali lang i-sort ang mga laman ng mga folders.
Kinuha ko ang phone sa gilid ng bigla itong mag-ring. Video call.
Stell Calling...
"Stell, bakit?" Agad na tanong ko.
Kumunot ang noo niya.
"Saan ka? Overnight daw tayo sa studio." Aniya at biglang pinakita ang mga balloons na hawak ng ibang staff. 'Yung iba ay pinapalobo pa.
"Sorry, pre. Di ako makakapunta. Busy ako eh." Sagot ko.
"Hindi mo 'yan condo ah? Hindi rin yan sa office niyo. Iba yung background mo eh. Saan ka, ha?" Nanunuksong tanong niya.
"N-Nasa a-ano ako... s-sa..." Hindi ko alam bakit di ko masabi. Alam kong nasa gitna pa rin siya sa pag-iipon ng pera papuntang Japan. Hinahanap niya pa rin Eli.
"Eto naman parang timang. Lugar lang naman tinatanong ko pero kung maka-utal ka naman kala mo wanted ka sa Pilipinas!" Sabi niya kaya dinig ko ng tawanan sa likod niya.
Bahagya akong tumikhim bago magsalita. "A-andito ako s-sa J-Japan." There nasabi ko na!
Gulat siyang napatingin sa akin at animo'y natigilan.
"J-Japan? Paano ka nakapunta dyan?" Tanong niya.
"Biglaan lang din 'to. Kaninang madaling araw lang din kami nakarating." Sabi ko at saka pinakita ang buong office ko.
"S-si... Si E-Eli... andyan ba siya? Nakita mo?" Mahinang tanong niya. Sabi ko na't itatanong niya 'to eh. "Tauhan siya nila Army Jane. Kaya dapat nandyan siya."
"Hindi ko pa siya nakita dito simula pa kaninang umaga. Pakiramdam ko wala siya rito." Sambit ko at saka naman siya tumahimik. Bumuntong hininga siya bago ulit ngumiti sa akin.
"Late Celebration nga pala 'to sa birthday ni Josh. Sayang at wala ka." Halatang iniba niya ang usapan.
Tumingin ako sa kalendaryo ng phone ko. October 29.
"Paki-sabi, bibilhan ko nalang siya ng regalo." Tumawa ako at saka inilapag ang phone ko sa folders. Patayo ito at kita naman ako.
"November 10 pala, aalis na tayo papuntang Korea. Makaka-uwi ka na ba nun?" Tanong niya ulit.
"Hindi ko alam eh. Tsaka aasikasuhin ko pa yung letters ko na ipapasa sa school. Baka matagalan akong umabsent. Update nalang ako kung makakauwi ba ako." Sagot ko at saka siya tumango.
"O siya, babye na. Tulungan ko lang sila mag ayos dito. Ingat ka dyan tsaka pasalubungan mo kami!" Nagpaalam na rin ako.
Nag inat ako ng katawan bago tumayo at lumabas ng office. Iilan nalang ang nakita kong mga tao sa loob ng mansyon.
"Excuse me, Sir." Nahinto ako sa pagbaba ng hagdan. Lumingon ako sa likod ko.
"Yes?" Sambit ko.
"Madam A told us to let you know that you'll be joining the dinner of the Ramirez Family later at 8pm." Sabi niya at nagulat naman ako.
"Huh? W-why?" Nakakahiya.
"I don't know, Sir." Saad niya.
"O-okay. Thank you." Tanging sagot ko nalang. Yumuko siya bago umalis.
Bakit ako magdi-dinner kasama ang buong Ramirez?!
YOU ARE READING
Lost In Your World (SB19 SERIES #1)
FanfictionI'm lost but I will keep on going back to you.