15

78 6 0
                                    

"Napano 'yang mukha mo?" Hindi na nakatiis si Pablo na tanungin ako.

"Nasuntok ng isang takas sa mental." Sagot ko at napangiwi naman siya.

"Bakit ka naman nagpasuntok? Dapat sinapak mo rin!" Si Josh habang tinitingnan ang namumulang pisngi ko. "May gasgas pa oh. Malakas ba sumuntok?" Dagdag niya pa.

"Oo men! Natumba nga ako eh." Sagot ko.

"Report natin 'to sa Dean mamaya." Singgit ni Pablo.

Hindi na ako nakasagot sa biglang pagtunog ng mga speakers sa gilid.

"Hello students! A late morning to all of us! I know madami sa inyo ang tuwang tuwa ngayon dahil walang class 'no? Aminin niyo!" Panimula ni Justin. Nakatayo siya sa podium sa gilid ng stage. "The Dean made this meeting anonymously dahil sa surprise visit ng mga stockholders ng school natin ngayong umaga lang. So, before we start.. I would like to ask everyone to please stand and give a big clap as we welcome our beloved school Dean and our stockholders!"

Agad kaming tumayo nang magsimulang bumukas ang malaking pinto sa likod kung saan nakalatang sa harap nito ang red carpet. Nasa gilid din sila Jeremy at William kasama ang iba pang kalalakihan na kapareho nila ng suot. Sa tingin ko ay lagpas sampu silang nakahilera doon. Nakablack suit silang lahat at may suot pang shades.

"Angas nila oh!" Mahinang bulong ni Josh habang nginunguso ang grupo nila Jeremy.

"Dumami naman ata sila? Si Jeremy at William lang kasama ko kanina ah?"

"Sila ata yung huling bumaba kanina na sinalubong namin nila Stell at Justin." Dagdag pa ni Josh habang si Pablo naman ay panay ang lingon.

Hindi ko na siya pinansin at doon na pumasok si Dean kasama ang sekretarya niya. Pumalakpak kami at naglakad na sila papunta stage kung saan halos inakupa ng mga upuan ang stage. Kasunod ang mga stockholders na nagsusuntukan ang ka-elegantehan sa mga suot. Pumwesto sila sa magkabilang gilid hanggang sa dalawang silya nalang ang natira sa pinakagitna. Inilibot ko ang paningin ko sa lahat ng stockholders na nakaupo sa stage at naalalang wala doon si Jane. Niloloko ba ako nun?

"Before I introduce our last guests, I would like to have a short trivia or a short description on how this school was built." Pag-agaw ni Justin sa atensyon ko.

Hindi pa rin mawala sa isip ko kung nasaan si Jane. May meeting daw siya dito at dito siya pumunta after niya lumabas ng room. Nandito rin si Jeremy at William. Nakukuha ko na ang punto ng pagtayo nila doon sa pinto pero ayaw tanggapin ng sistema ko nang hindi ko siya nakita sa pagpasok ng mga stockholders. Dalawang silya nalang ang natitira sa gitna ng stage at nandito ang mga bodyguards ng Ramirez.

Halata na sa suot nilang kapareho nila Jeremy at William kaya 'wag na magtaka.

Isa kaya siya sa mga uupo dun?

"I know most of us already knew about the history of our school but I still want to share this for those who doesn't have any idea until now.. So long ago, year 1890.. a guy built small room for a group of children who has a determination to learn. As months and years go by, he decided to build a school for students who has a big dreams in life. When he passed away. he passed the management of the school to the first child of the family. They have this... culture on passing the management.. that when the first child declines, this is automatically passed to the second child and.. he/she.. will never have any choice but to accept it. And look how the small room that Mr. Toshiro built.. it became a big home for students. A small group of children became a bunch." Mahabang litanya ni Justin. Tahimik lang ang lahat na nakikinig sa kanya. "And today.. it is the time that we have been waiting for. Today is the day that we will finally meet the people behind all of the success of Atama University and they are also finally ready to reveal themselves. Are you guys ready?!"

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now