Book 1: Chapter 9: Hell Cry Village

290 48 1
                                    

Chapter 9: Hell Cry Village

Reyvern P.O.V.
Kasama ko ngayon sa paglalakbay si kuya Rodolfo. Papunta kame ngayon sa bayan nila.

"Ano nga po pala Ang pangalan ng village niyo?." Tanong ko. Nakalimutan ko kase siyang tanungin kanina tungkol sa bagay na iyon.

"Hell cry village." Bigkas nito. Kakaibang pangalan ng village. Ngayon ko lang narinig Ang pangalan na ito. Sabagay ngayon lang naman ako maglalakbay.

Ayon kase sa nabasa ko marami Ang village na pinamumunuan ng apat na kilalang tao. Isa na dito si Clark Vertil na isang duke. Isa siya sa naglilikod sa hari meroon siyang 24 village na pinangangalagaan. Ang sunod naman si Rowena maliw isa ring dukessa at tagapaglingkod ng hari meroon naman' siyang 20 village na hawak.

Sunod ay Jane smith isang prinsesa ng palasyo. Anak siya ng hari ngayon ng mga tao. May hawak siyang 15 village. At ang panghuli ay si Roger palm isang magiting na knight sa palasyo na binigyan ng pagkakataon na humawak ng 10 village.

Sila Ang apat na ngangalaga sa lahat ng village na sakop ng mga tao. Ngunit hindi ko alam kung ano anong mga bayan Ang hawak nila.

"Ang hell cry village ay pangangalaga ni duke Clark Vertil. Isang taong gahaman sa yaman at kasikatan. Lumapit kame sa kanya upang manghingi mg tulong dahil halos lahat ng tao sa bayan ay namamtay at nagkasakit dahil sa pagtatrabaho upang may ipangbayad sa kanya ng buwis." Kwento nito.

"Ngunit hindi kame nito pinagbigyang makita siya at pinatapon kame nito sa kanyang mga knight. Marami Ang nagrebelde at sinubukang kalabanin siya ngunit inuuwe na Ang mga itong bangkay na at wala ng ulo." Dagdag nito.

Hindi ko mapigilang hindi mapakuyom ng kamao. Hindi ko akalaing may ganitong namumuno. Ang akala ko ay iba ito sa mga anime na napanood ko ngunit mas Malala pa pala.

"Tinawag na hell cry dahil Hanggang kamtayan ay pagiyak lamang Ang kaya naming gawin. Paubos na Ang Mamamayan ng village dahil sa mga namatay sa sakit." Paliwanag Nito.

"Ano ano po bang klase ng sakit Ang tumatama sa kanila?." Tanong ko. Alam kong maraming sakit Ang nakamamatay ngunit hindi ko alam kung akin sa mga iyon.

Meroong sakit na Faguia (fagya) isa itong sakit na dahilan ng pagkain na may lason tulad ng mga halamang hindi pangkaraniwang Ang istura. Unti unti nitong uubusin Ang laman loob ng isang tao.

Kumbaga sa earth ito ay nangyayari lang pagpatay yung mga uod na puti. Alam kong alam niyo Ang ibig kong sabihin. Isa itong uod na kumakain ng mga Patay ngunit Ang kabaliktaran sa mundong ito ay kahit sa buhay ay nangyayari ito.

"Hindi ko alam kung anong sakit nila. Ngunit unti unti silang namatay. Tuyong tuyo na sila kapag namatay walang dugo kameng nakikita." Paliwanag Nito.

Agad akong nanigas dahil sa sinabi nito. Isa lang ang alam kong may kayang gumawa nito. Ngunit hindi pa ako sigurado kailangan ko pang makita.

"Yung may mga sakit po ba ay magkakaroon ng alone alone sa katawan?." Tanong ko. Agad na napahinto ito dahil sa tanong ko.

"Oo Minsan sa balikat. Minsan naman sa ibang parte. Ngunit hindi namin matukoy kung ano ba ang bagay na iyon kaya hindi namin pinapakialaman o ginagalaw man lang." Sabi nito.

Tama nga ako isang bloody slime Ang pumasok sa kanilang katawan. Hindi ako pwedeng magkamali kung magtagal pa kame ay siguradong wala na kameng aabutang buhay ngayon.

"Malayo pa pi ba tayo'?." Tanong ko. Umiling naman ito. "Kailangan na po nating magmadali kung hindi baka wala na po tayong abutang buhay." Dagdag ko. Agad na napahinto ito at gulat na napatingin sa akin.

CHOSEN'S HERO: THE NEW WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon