Book 1: Chapter 2: Guild Card

439 49 0
                                    

Chapter 2: Guild Card

Reyvern P.O.V.
May ibat ibang uri ng nilalang akong nakikita. Ngunit kadalasan ay mga tao Ang nakikita ko. Bilang lang sa kamay Ang mga nakikita kong kauri ko.

Muli akong naglakad. At ramdam ko ang mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga nilalang sa paligid ko ngunit hindi ko na ito masyadong pinagtuunan ng Pansin.

Magmadali akong maglakad ng bigla akong bumagsak dahil sa taong nakabungguan ko. Dahan dahan akong tumayo at tiningnan Ang taong aking nabunggo.

"Sorry." Paghingi ko ng tawad. Hindi ko siya napansin. Dahil narin siguro sa pagmamadali ko.

"Okay lang. Mukhang nagmamadali ka." Nakangiting sabi nito. Tumango ako. Dahil bukod sa bibili ako ng mga armas ko ay nais kong sumalu sa guild.

"Saan ba ang iying punta at nagmamadali ka?." Takang tanong nito. Sinabi ko sa kanya kung saan ako pupunta na siyang agad naman niyang sinabi kung saan ko makikita iyon na ikinatuwa ko.

Sinundan ko nga Ang itinuring Lugar sa akin ng nakabunggo ko. Nakalimutan kong hingiin Ang kanyang pangalan dahil mukhang nagmamadali din siya.

Ang bumungad sa akin ay isang gusali na maingay. Tulad ng aking inaasahan. Agad akong pumasok sa loob na siyang maging dahilan upang malipat sa akin Ang kanilang mga tingin.

Hindi ko na ito masyadong pinagtuunan ng Pansin. At lumapit ako sa receptionist na nakita ko. Nakangiti naman itong nakatingin sa akin.

"Anong maitutulong ko sa iyon ginoo." Nakangiting sabi nito. Isa itong beastfox.

"Magpaparegister ako." Nakangiting sabi ko. Agad naman itong umalis at may kinuha sa isang drawer bago muling bumalik sa aking pwesto.

"Ilapag mo lang ang dalawa mong kamay riyan upang malaman namin Ang information mo." Nakangiting sabi nito.

Agad akong napatingin sa isang bolang crystal. Dahan dahan kong inilapit Ang aking kamay dito. Ang kaninang walang buhay na bolang crystal ay unti unting magkakaroon ng liwanag.

Patingkad ito ng patingkad Hanggang sa tuluyan na itong huminto. Agad kong inalis Ang aking kamay ng sabihin nito na maaari ko ng alisin.

Agad nitong inabot sa akin ang itim na card doon ko nakita Ang aking information.

Name: Reyvern Lopez
Race: beast cat
Age: 13
GENDER: male
Level: 24
Rank: E
Zen: 1000
Bronze: 1000
Silver: 1000
Gold: 1000
Magic: healer

Paalis na sana ako ng pigilan ako ng receptionist. Kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Nasa kanang bahagi nakalagay Ang mga quest na maaari mong gawin." Nakangiting sabi nito.

Tumango lang ako sa kanya. Lumabas na ako at naglakad lakad upang makahanap ng mapagbibilhan ko ng armas. Malayo layo na ako sa guild ng makakita ako ng isang simabahan?.

"Kung ganoon pagnakarating kana sa Lugar kung saan ka namin dadalhin ay nais naming pumunta ka sa bawatsimbahan na mapupuntahan mo. At sa bawat dungeon na matatapos mo ay humawak ka sa mga estatwang nandodoon. Meroon kameng iniwan doing regalo maaaring about sa history mg mundong iyon o maari ring alaga o kapangyarihan."

Agad kong naalala Ang paaala sa aking ng mga god Ang goddesses kaya Dali Dali akong pumasok sa loob nito. Doin ko nakita Ang isang babaeng statua. Isa itong beastCat. Ngunit mapapansin mo Ang kaibahan nito sa mga tulad namin.

Agad akong Lumapit dito at hinawakan ang kamay nito bago pumikit. Dumilat din ako agad matapos Ang ilang minuto. Baka kase mamaya ay magtaka Ang mga nakakakita sa ginagawa ko.

CHOSEN'S HERO: THE NEW WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon