Chapter 36: The First Plan of Reyvern
Ella P.O.V.
Mukhang may nagtangkang manira sa guild na ginawa namin kaya gusto ng gawin ito ni reyvern."At Ang isang grupo naman ay gusto kong kayo Ang maiiwan dito. Ngunit di porket maiiwan kayo dito ay wala na kayong gagawin. Gusto kong maghanap kayo ng impormasyon tungkol sa Aqua stone." Agad akong nagtaka sa bagay na sinabi niya. Ngunit hindi na ako nagtanong pa.
"Ella ikaw na Ang gagawin kong team leader ng dungeon raid at si Sam na Ang gagawin kong team leader ng searching misyon." Agad akong tumango dito.
Umalis din agad ito dahil sabi niya ay kakausapin niya pa ang ibang grupo. Hindi ko aalam kung ano ba talaga ang nangyayari ngunit mukhang nagumpisa ng makipaglaro ng mataya-taya si reyvern.
"Ngayon Jelly, raffy, Debbie, hervy at lito kayo Ang sasama sa searching team. Mag-ingat kayo. Sige magsiuwi nakayong Lima at magayos na ng mga gagamitin niyo." Agad na nagpaalam Ang mga ito bago nawala.
"Junnie,Desiree,Joel,Jojo,Kim,Enrico at alexie kayo Ang sasama sa akin sa dungeon raiding." Sabi ko. Agad nambg tumango Ang mga ito bago nagsialisan.
"Kayong mga naiwan alam niyo na Ang kailangan niyong gawin?." Agad na tumgao Ang mga ito bago nagpuntahan sa library ng hideout namin.
Sam P.O.V.
Ng makaalis si Ella at reyvern ay ipinagpatuloy na namin Ang pagsasanay kahit na gusto naming magtanong sa kung ano ba ang nangyayari.Isang oras na simula ng umalis Ang dalawa ngunit Hanggang ngayon ay hindi pa ang mga ito nakakabalik. Mukhang may importanteng pinaguusapan Ang mga iyon.
Maya-maya pa ay nakita ko Ang seryosong mukha ni reyvern. Agad kameng napahinto sa aming ginagawa. Nakaramdam ako ng kunting takot ngunit hindi ko ipinahalata.
"Sam." Tawag sa akin nito. Agad akong Lumapit dito at nga makalapit ako ay agad niyang sinabing dalhin ko siya sa aming basement. At sinabi din niyang papuntahin ko lahat ng mga shadow guard.
Agad ko naman ngang kinausap Ang mga ito gamit Ang aking isip. Ng makarating kame sa basement ng opisnang ko ay agad niyang sinabi sa akin na dalhin ko siya sa meeting room na agad ko namang ginawa.
Ng makaupo kame ay saktong pagdating ng mga taong hinahanap niya. Seryosong mukha ni reyvern Ang nagpatahimik sa mga ito.
"Ngayon lang ay binigyan ko na ng unag misyon Ang seer group at nais kong hingiin Ang tulong niyo. Napadelikado ng misyong ito kaya kailang ng seer Ang proteksyon niyo." Ito na nga ba ang sinasabi ko ei. May hindi nga magandang nangyayari.
"Ngayon hinati ko kayo sa dalawang team hindi ba?." Tanong ni reyvern. At agad na tumango Ang mga ito.
"Ngayon gusto kong bumuo kayo ng apat na grupo." Seryosong sabi niya. Agad naman akong nagtaka dahil kung nagkataon ay magkakaroon na lamang ng ilang myembro kada grupo.
Matapos makabuo ng mga ito ng grupo ay nakita ko Ang pagsilay ng ngiti sa labi ni reyvern. Mukhang nagustuhan niya Ang nabuong grupo.
"Ngayon Ang leader sa unang team ay si poncy. Ang grupo ni poncy Ang sasama sa dungeon raid. Umpisa na upang ipakita natin sa kanila Ang totoong lakas ng lotus guild." Nakangising sabi niya.
"Masusunod guild master Reyvern. " Agad na sagot ni poncy.
"Ngayon sa pangalawang grupo Ang leader ay si may. Ang grupo ni may Ang papasok sa mansion ng dukessa Jane smith. Ito Ang tatandaan niyo magingat kayo alam kong naturuan ko kayo ng maayos ngunit hidni ibig sabihin noon na mananalo kayo. Manmanan at kabisaduhin niyo Ang bawat pasikot sikot ng mansyong iyon." Wala bang balak na sabihin ni reyvern Ang nangyayari?.
BINABASA MO ANG
CHOSEN'S HERO: THE NEW WORLD
Fantasyreyvern Lopez is a simple guy.Nangangarap na magkaroon ng totoong kaibigan na magmamahal ng toto sa kanya ng walang hinihinginh kapalit.Mapait man ang kaniyang sinapit sa mga itinuring na kaibigan at pamilya ay hindi pa rin siya sumusukong sa pangar...