Book 1: Chapter 33: Shadow Guard Training 1

276 38 0
                                    

Chapter 33: shadow guard training 1

Reyvern P.O.V.
"Pasting chain: air manipulator." Bigkas ko. Ramdam ko ang says ng mga ito sa Pagbabalik ko ng kani-kanilang kapangyarihan.

"Pasting chain: fire manipulator." Hindi ko alam kung tama bang magtiwala ako sa mga taong nagtangka sa buhay namin.

"Pasting chain: holy light." Bigkas ko. Agad na nanlaki Ang mata ng isang lalaki sa aking sinabi. Mas mataas Ang healing power na ibinigay ko sa kanya kumpara sa hawak niya noon.

"Kayong apat kumapit din kayo sa kanila." Agad na nagtaka Ang apat dahil sa sinabi ko. Ngunit agad ding sumunod.

Napatingin ako sa ibang guro na nagtataka sa aking ginagawa.

"Kayong mga guro din lumapit din kayo." Agad nagkapitan Ang mga ito .

"Pasting chain: teleport." Bigkas ko. Kailangan nila Ang bagay na ito kaya nais kong ibigay sa kanila Ang mga ito.

"Pasting chain: telephaty." Pinaka-importante ito sa lahat.

"Maaari na kayong magsibitaw. Ngayong naibugay ko na Ang inyong mga kapangyarihan gusto kong palakasin niyo Ang mga iyan dahil nalalapit na Ang pagbukas ng academya ko." Nakangiting sabi ko.

Agad na nagtanguan Ang mga ito. Agad akong naglabas ng mga papel na kanilang pinagtaka. Ngunit ngumiti lamang ako sa kanila.

"Lahat ng may papel sa unahan patakan niyo iyan ng mga dugo ninyo. Dahil sabi ko nga noong una ay kailangan niyo sumali sa guild na pinapalakad ko." Agad na sinunod ng mga ito Ang aking sinabi at sabay sabay nilang pinatakan ng kanilang dugo Ang papel.

Agad na nasunog Ang mga ito at kita ko ang pamimilipit ng mga ito dahil sa sakit na kanilang nararamdaman. Hindi ko sila masisi dahil maski ako ng ginawa ko iyan ay masakit.

Maya maya pa ay natapos Ang iniinda nitong mga sakit. Nakita kong tinitingnan nila Ang isang makulay na lotus flower na nasa kanilang baywang.

"Ang enblem na iyan ay magkakaroon ng Numero sa tuwing may paligsahang nagaganap sa lotus guild kung anong Numero mo ng manalo kayo ay iyon Ang magiging Numero niyo diyan mababase Ang lakas ninyo. At isa papala bawal ipakita sa iba iyan." Agad na tumango Ang mga ito.

"Nais kong kayong anim ay pakiramdaman niyo Ang inyong kapangyarihan." Agad nilang ginawa ito. Kita ko ang paglaki ng mga mata ng mga ito dahil sa aking ginawa.

"Paanong naging anim Ang kapangyarihan ko." Gulat na sabi ni Eduardo. Gulat na nakatingin sa kanya Ang iba dahil sa sinabi nito.

"Nga pala dahil hindi niyo pa kayang gamitin lahat iyang kakayahan na iyan sasanayin kayo ng tatlo sa mga kapatid ko." Nakangiting sabi ko.

Ang apat na kaibigan ko naman aagad na nagtulakan kung sino daw ba ang mga iyon. Hidni ko mapigilang hindi Matawa sa inaakto ng nga ito.

"Ako Ang kapatid niya. Ako kaya Ang unang nakilala niya." Hindi ko maiwasang hindi Matawa sa sinabi ni Sam. Pero sa totoo lang siya talaga ang unang nakilala ko dahil narin sa minessage niya ako.

"Ako naman Ang nauna niyang nakita ng personal kaya ako Ang kapatid niya." Nakangising sabi ni frank. Ayaw din magpatalo ng isang ito siraulo din Minsan ei.

"Kung sino daw Ang pinakabata ay siyang kapatid ni reyvern." Agad na nanlaki Ang aming mata ng sabihin iyon ni hazel.

"Ako Ang pinakabata sa ating lahat kaya huwag nga kayo diyan." Sabi ko. Agad na sumama Ang tingin ng mga ito sa akin dahil sa pakikisali ko.

Napagusapan na kase namin noon Ang mga edad at birthday namin at sa kasamaang palad ay si Sam ang pinakamatanda dahil January siya sunod si Ella na march at sunod si hazel na July at Sunod si Frank na September at ako Ang huli December.

CHOSEN'S HERO: THE NEW WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon