Book 1: Chapter 31: Live Scenes

261 41 0
                                    

Chapter 31: Live Scenes

Reyvern P.O.V.
Wala naman' sana talaga akong balak na tanggalan siya ng kapangyarihan ngunit hindi ko naman maaaring gawin.

Delikado Ang kapangyarihan niya. Acid manipulator. Nasa ibang level na Ang kapangyarihan niyang ito kaya malakas na ito kaya pag ginamit niya ito siguradong marami Ang mamatay.

"Ngayon sino Ang susunod?." Serysong tanong ko. Ibabalik ko din naman Ang kapangyarihan kapag malamig na Ang ulo niya.

Masyadong marami na Ang iniisip niya kaya hindi na niya masyadong kontrolado Ang paggamit niya nito. Mukhang maraming problema Ang school na hawak niya.

"Ibalik mo Ang kapangyarihan ko. Ibalik mo." Galit na sabi nito. Hindi naman ako natakot sa Tono ng boses nito. Hindi nga isang pagkakamaling ilagay siya bilang headmistress ng academy.

"Sa tingin mo ba ay susundin kita gayong normal na tao ka na lamang?." Nakangising tanong ko.

"Akala ko pa naman' kayang talunin ni headmistress Ang isang beast cat na iyan."

"Mahina pala si headmistress bakit siya napunta sa pwesto niya ngayon."

"Oo nga tapos kung makapagutos sa aming mga guro akala mo Ang lakas na niya."

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ngayong ng headmistress dahil sa sinasabi ng mga ito. Ngunit isa lang ang sigurado ako mga baliw Ang mga ito.

"Anong sinasabi niyo diyan? Minamaliit niyo na ba Ako?." Agad namang tumawa Ang ibang teachers sa sinabi nito.

"Sa tingin mo ba matatakot na kame sayi ngayong isa ka na lang basura?." Natatawang sabi nito. Kung titingnan mo isa ito sa mga pinakamalakas sa teacher ngunit kung hindi ko ninakaw Ang mga kapangyarihan ng naunang Lima sigurado akong wala itong isang itong ipagmamayabang.

"Ano sa tingin mo Ang ginagawa mo bony?." Serysong tanong nito. Kita ko ang pagngisi ng taong ito. Mukhang may matagal na talagang balak ito.

"Sa tingin mo ba bakit ako pumayag na sumama dito? Dahil gusto kong makita kung paano Ka matatalo ng isang halimaw. Hindi nga ako nagkamali. Sa tingin mo anong mangyayari sa iyo ngayon?." Nakangising sabi nito.

Hindi ko alam kung ano ba ang pinupunti nito. Ngunit napansin ko Ang pagnganga ng headmistress. Mukhang may importanteng bagay na mawawala sa kanya.

"Dahil wala ka ng kapangyarihan ibig sabihin lang noon ay hindi ka na pwedeng maging headmistress ng academya. At Ang enblem mo na nagpapatunay na isa akong headmistress ay wala na dahil naghahanap na ito ng bagong papalit sa position mo sa  mga teacher na kasama mo ngayon." Nakangising sabi nito.

Yun pala Ang bagay na ikinagulat ng headmistress mukhang exciting Ang mangyayari ah. Sino kaya sa kanila Ang papalit sa dating headmistress?.

"Plinano mo Ang lahat ng ito bony." Galit na sigaw nito.

I sighed.

Wala namang magagawa Ang Galit niya dahil wala naman' na siyang laban sa mga ito ngayon.

Lumingon ako sa mga taong nasa likod ko.

"Maari na kayong bumalik sa mga ginagawa niyo." Seryosong sabi ko. Agad na nagyukuan Ang mga ito at nagsipasok sa guild Ang iba namin ay mukhang uuwi na sa kani kanilang tahanan.

Kameng apat na lang ang natira at nakatingin sa ginagawang palabas ng mga ito.

"Sa tingin mo ba hahayaan kong maging isang headmaster  Ang isang tulad mo? Hindi ako makakapayag sa bagay na iyon bony." Dagdag nito. Ngunit narinig ko ang pagtawa ng ibang guro sa kanyang sinabi.

CHOSEN'S HERO: THE NEW WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon