Book 1: Chapter 12: BloodOtter Timberland 3

284 46 4
                                    

Chapter 12:  bloodotter timberland 3

Reyvern P.O.V.
Nasa gitnang parte na kame ng bloodOtter timberland. Marami kameng nakalaban at marami na din akong napansin. Marami na din akong nakitang mga studyanteng sugatan. Mukhang may mga nakalabang mas malakas sa kanila.

Tungkol naman sa mga teachers na nakalaban namin kanina ay pinatulog namin Ang mga ito. Bukod sa dalawang hindi makisali sa ginagawa. At para na rin may makakapagbantay pa sa mga studyante nila.

May nakikita pa kameng nakikipaglaban. May nakikita din akong mga suot ng mga itong bracelet na sa tuwing may mapapatay sila ay magkakaroon at nadadagdagan ng puntos.

"Para saan kaya yang exam na ginagawa nila?." Takang tanong ko. Dahil bakit dito pa nila ginagawa sa pinakadelikadong Lugar.

"Diyan malalaman kung aangat Ang rank ng isang studyante. Kadalasang ginagawa iyan sa mga school. Pero Ang school na pinanggalingan nila Ang pinakamahirap Ang test na pinapagawa." Paliwanag ni fatima.

"Ilang school meroon dito?meroon bang school na pwede Ang lahat. Yung magkakasama bawat lahi?." Tanong ko. Dahil sa dami ng nakikita kong magkakasama g ibat ibang lahi sa kapitolyo ay siguro naman meron.

"Wala. Tanging kapitolyo lang ang napaglasunduang pwede nilang puntahan bukod pa doon wala ng iba. Kung magaaral ka sa school dito hindi ka makakapagenrol doin ka sa school kung saan mga kauri mo Ang kasama." Paliwanag ni regine.

Wala rin naman' kaong balak na magral. Kaya hindi ko na susubukan iyon. Tsaka mukhang Ang papanget ng mga teacher na meroon Ang mga school.

"Tulong....huwag mo akong patayin please....James." agad akong napahinto ng marinig ko ang paghingi ng tulong ng isang babae. Dahil na rin sa talas ng aking pandinig ay hindi ako nahirapan.

"May nanghihingi ng tulong." Sabi ko. Agad na tumango sa akin si Sam dahil maski ata siya narinig dahil narin siguro isa siyang fox.

Agad kaong tumakbo kung saan ko naririnig Ang nanghihingi ng tulong. Medyo malayo pa iyon sa aming kinalalagyan.

Dahil narin siguro sa bilis kong tumakbo ay nakarating agad ako sa kinaroroonan ng mga ito. Doon ko nakita Ang isang babaeng walang Malay puro sugat Ang katawan at Ang isang babaeng may Malay ngunit marami ding sugat na natamo.

"James bakit kailangang gawin niyo ito. Wala kameng ginawang masama sa inyo." Agad akong napatingin sa kinakausap niya. Doon ko nakita Ang limang tao. Dalawang babaeng nakangisi at tatlong lalakeng nakamalademonyimg nakangiti.

"Isa lang naman Ang dahilan. Para Masaya naman diba." Agad nagpintig Ang aking tainga sa narinig na sinabi nito.

Kailan pa naging isang Masaya Ang pagpatay at pagpapahirap sa buhay ng isang nilalang?agad akong tumalon sa gitna nila. Kita ko ang gulat nila dahil sa bigla kong pagsulpot.

"Matanong kita kailan pa naging Masaya Ang pagkitil ng buhay?." Seryosong tanong ko. Imbes na sumagot ay tumawa lang ito ng malakas na para bang walang kwenta Ang aking tanong.

"Isang beastCat anong sa tingin mo Ang kaya mong gawin?." Nakangising sabi ng babae. Mukha siyang pokpok sa suot niya. Studyante ba talaga siya o nagtatrabaho sa isang bar?.

"Isang level 75...72...70...64 at 55." Nakangising sabi ko. Kahit sila Fatima Ang pabanin ko sa mga ito ay kayang kaya nilang matalo Ang mga ito.

"Reyvern." Agad akong napatingin sa tumawag sa akin. Doon ko nakita sila Sam na paparating. Agad na tumawa muli Ang mga taong kaharap ko dahil nakita nila  si Sam.

"Isa pang walang kwentang beastfox." Tumatawang sabi nito. Mukhang paglalamayan Ang school nila.

Agad ko muling Ibinalik Ang aking tingin sa dalawang sugatan. Lumapit ako at yumuko upang makita ang mga sugat na tinamo nila.

CHOSEN'S HERO: THE NEW WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon