Book 1: Chapter 16: Duke Clark Vertil

302 38 3
                                    

Chapter 16: Duke Clark Vertil

Samantha P.O.V.
Naka-upo ako ngayon sa isa sa mga upuan dito sa kusina. Kanina pa kame gising ngunit walang nagsasalita sa amin. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin namin ngayon. Ngunit mukhang si reyvern ay may planong gawin.

Ngayon ay si reyvern ay pababang nakangiti. Hindi ko alam kung bakit naka-ngiti Ang isang ito. Mukhang may nangyaring maganda sa mga familiar nito.

"Bakit Ang say mo ata ngayon reyvern?." Tanong ni hazel ng makita niya ito. Ngumisi lang naman ito sa amin bago sumagot.

"Nanganak na kase Ang familiar kong Fenrir at goblin." Nakangising sabi nito.

Agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nito. Alam kong may familiar siyang Fenrir ngunit Ang goblin ay wala akong alam.

"Goblin?diba halimaw Ang mga iyon bakit ginawa mong familiar?." Takang tanong ko. Dahil Ang mga goblin dito ay hindi ginagawang familiar ngunit siya ginawa niya?ano bang iniisip niya?.

"Hindi naman sila halimaw. Dahil kung halimaw Ang mga ito anong tawag sa ating mga werebeast Sam. Lahat Ng nilalang ay may kaarapatang gawing familiar o mamuhay ng tahimik." Paliwanag Nito. Tumango ako sa sinabi nito.

Wala naman' sa aking problema iyon nagtataka lang talaga ako kaya ako nagtanong.

"Maaari ba naming makita ang mga ito?." Nakangiting sabi ni Ella. Agad namang tumango si reyvern at lumabas. Agad kameng sumunod sa kanya at naabutan namin itong huminto sa tapat ng bahay.

Maya maya pa ay nakita namin Ang madaming goblin na maliit kasama Ang dalawang Malaki nam ukhang nagsasanay pa dahil may hawak na dalawang espada Ang mga ito. Ang Fenrir naman ay nag-papadede sa mga anak nito.

"Ang dami nila. Lahat ba sila familiar mo? Ngunit na saan Ang isang Fenrir mo?." Tanong ko. Dahil Ang alam ko ay parehas dalawa Ang familiar namin.

"Oo lahat sila familiar ko. Ah yung isang Fenrir ko nagsasanay pa iyon." Nakangiting sabi nito.

Marami ng nakatingin sa amin dahil sa mga nilalang na nasa aming harapan. Masasama Ang tingin sa amin ng mga ito sa hindi ko malamang dahilan.

"Reyvern bakit Ang sama ng tingin ng iba sa atin?." Tanong ko. Agad namang binalik nito Ang mga alaga at tumingin sa akin bago sumagot.

"Dahil Ang Turing nila sa atin Sam ay halimaw dahil isa tayong werebeast. Hindi mo ba alam na Ang mga tulad nating hindi tao ay hindi maaaring lumagpas ng kapitolyo?.dahil Ang maaari lang nating mapunta ay tanging kapitolyo lang o mga gubat dahil na rin sa quest na ginagawa natin." Paliwanag nito.

Agad na nanlaki Ang asking mga mata ng maalala Ang tungkol sa bagay na iyon. Ngayon ko lang alam ko na kung bakit marami din Ang masama Ang tingin sa amin ni frank ng kame ay maglakbay papunta dito.

"Huwag kayong mag-alala dahil hindi nila tayo' sasaktan. Dahil utang nila sa akin Ang buhay nila o ng kamag-anak nila. Dahil kung hindi dahil sa akin Patay na silang lahat." Nakangiting sabi nito.

Alam ko ang tungkol sa bagay na iyon. Na ginamot niya Ang halos lahat ng Mamamayan sa bayan na ito. Ikinwento sa amin ito nila mama milva ng makarating kame dito.

"Nga pala dahil wala kayong gagawin may inihanda akong training para sa inyo." Nakangiting sabi nito. Ngunit ng mapansin kong iba Ang ngiting ipinapakita nito ay agad akong nakaramdam ng kaba.

"Talaga?" Nakangiting sabi ni Ella. Napakamot na lang ako sa batok dahil sa katangahan ng dalawang ito. Hindi ba nila napapansing iba Ang ngiting ipinapakita nito. Tumango si reyvern sa kanila.

"Dahil sabi ko nga ay gagawa ako ng sarili kong negosyo ay kailangan na nating linisin Ang bayan na ito. Alam kong nakita ninyo kung gaano karami Ang mababangis na halimaw Ang nakapaligid sa bayang ito." Nakangiting sabi nito. Tumango kame sa sinabi nito. " Ngayon magsimula na tayo.", Nakangting sabi nito.

CHOSEN'S HERO: THE NEW WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon