Chapter 23: The New Project
Reyvern P.O.V.
Maaga pa lang ay nagpasama na ako Kay Philip na ilibot ako sa buong bayan. Habang naglilibot kame ay marami akong nakitang mga bagay na kailangang magawa.Maraming sirang mga kabayanan. Maraming bakanteng lote. At maraming maduduming ilog at dagat. Hindi ko maiwasang magalit dahil sa pagiging sakim ni duke Clark ay nangyari ito sa bayang ito.
"Duke reyvern. Oras na po para sa pagpupulong." Nakangiting sabi nito. Agad akong tumango at sumunod sa kanya. Ng makarating kame ay nakita ko Ang napakaraming tao. Ako lang pala Ang naiibang nilalang dito.
Ng makarating ako sa harapan ay sumeryoso Ang mukha ko. Bumuntong hininga ako bago magsalita.
"Ngayon lamang ay nagikot ikot Ako sa bayang ito. Marami akong nakitang kailangang maayos. Ngunit hindi ko naman ito magagawa ng sarili ko lamang. Kaya ngayon ako ay nasa inyong harapan upang manghingi ng tulong na buhayin muli itong Lockwood Village." Bigkas ko. Agad ako yumuko sa kanila harapan.
Agad na nagsinghapan Ang mga ito dahil sa aking ginawa. Ngunit ito na lang ang tanging paraan ko upang mabalik sa ayos itong bayan.
'reyvern mayroong problema. Maaari bang bumalik ka muna saglit?.'
Agad na napakunot Ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Ella. Ano bang problema bakit pinagmamadali niya ako?.
'bakit ano bang problema diyan?.'
Muli kong itinuon Ang aking tingin sa mga taong nasa aking harapan na nagtatakamg nakatingin sa akin.'si frank hindi ko makita kung nasaan. Ang sabi niya ay susundan ka niya ngunit Hanggang ngayon ay wala paring itong paramdam sa akin.'
Ano bang trip mg isang iyon at sumunod pa sa akin?hindi niya alam kung gaano kadelikado Ang mga nakakalaban ko bago ako makarating dito.
'sige ako ng bahala.'
Tumingin akong muli sa mga ito bago nagsalita.
"Ngayon po maaari ko po bang marinig Ang inyong mga sagot?." Nakangiting sabi ko. Agad na nagtaas ng kamay Ang isang lalake Banda sa dulo.
"Ako tutulong ako. Mukhang kapakanan ng Mamamayan Ang iniisip mo Hindi tulad ng naunang duke." Nakangiting sabi nito.
"Maraming salamat'." Nakangiting sabi ko. Agad na nagtaasan dun Ang iba pa. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil dito.
Philip P.O.V.
Hindi ko maiwasang hindi humanga sa tapang ng batang ito. Sa murang edad ay marami ng nakapasan sa kanyang likuran. Ngunit kahit ganoon ay nagagawa pa run nitong ngumiti na para bang walang pinoproblema."Frank Silva. Lumabas ka dyan sa pinag-ta-taguan mo." Nagulat ako sa sinabi nito. Dahil wala naman' akong nakikita at nararamdamang enerhiya.
Gukat akong napatingin sa tabi ni reyvern ng biglang may lumitaw na isang batang lalake sa kanyang tabi. Mukhang hindi lamang ata ako Ang nagulat sa biglaang pagsulpot nito.
"Anong ginagawa mo dito?diba may pinapagawa ako sayo sa hell cry village?." Seryosong tanong nito.
Kita ko ang pagngisi nito.
"Tapos na Ang binigay mong trabaho. Malapit ng matapos Ang school, market at guild building na ipinapagawa mo." Nakangiting sabi nito.
Agad nanlaki Ang mga mata ko dahil sa sinabi nito.
"Guild building?."
"School building?."
"Market building?."
BINABASA MO ANG
CHOSEN'S HERO: THE NEW WORLD
Fantasyreyvern Lopez is a simple guy.Nangangarap na magkaroon ng totoong kaibigan na magmamahal ng toto sa kanya ng walang hinihinginh kapalit.Mapait man ang kaniyang sinapit sa mga itinuring na kaibigan at pamilya ay hindi pa rin siya sumusukong sa pangar...