Chapter 25: Truth Behind The Past War 2
Reyvern P.O.V.
Isa lang naman Ang dahilan noon at iyon ay."Dahil gusto niyang mamatay na talaga Ang mga pinuno ng mga lahi upang siya na Ang maging pinuno ng mga ito. Sa kasamaang palad hindi umayon Ang lahat sa Plano." Nakangising sabi ko.
Tama hindi umayon sa Plano mg prinsesa Ang mangyayari.
"Paanong hindi umayon sa prinsesa Ang mangyayari?." Tanong ni papa Rodolfo.
"Dahil bago pa man mamatay Ang mga ito ay nasabi na ng mga ito sa kanilang mga nasasakupan Ang gagawin kung may mangyayaring masama sa kanila. At Ang isa pang dahilan ay nagkanya kanya na Ang mga nilalang ng malamang Patay na Ang mga pinuno." Nakangiting sabi ko.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
"Sa tingin mo ba pagnapalitan Ang nakaupo sa palasyo ay mababalik na sa dati Ang lahat?." Tanong ni hazel.
Umiling ako.
"Hindi dahil hindi na nito maibabalik Ang mga buhay ng namatay. Ngunit mababalik naman Ang pagkakaibigan mg bawat nilalang kung mabuti Ang papalit na bagong mamumuno. Ngunit ngayon Hindi ko alam kung kailan mangyayari iyon." Saad ko.
Hindi mangyayari iyon hanggat walang gustong lumaban sa hari at Reyna.
"Tama hindi mangyayari iyon kung walang maglalakas ng loob na kalabanin Ang hari at Reyna." Seryosong sabi ni Ella.
Tumango ako at ngumisi.
"Anong Plano mo reyvern. Alam kong ayaw mong magkaroong muli ng digmaan." Seryosong sabi ni Sam.
Tama ayaw ko ng magkaroon pa ng digmaan dahil maraming nilalang Ang namamatay dahil dito.
Ngumisi ako sa kanila.
"Sa tingin niyo bakit ako gumawa ng mga shadow guard?." Nakangising tanong ko.
Agad nang magisip Ang mga ito?.
"Dahil para magbantay?." Huh? Anong trip mo hazel.
"Para gumawa ng mga delikadong mission?." Isa iyan sa dahilan Ella ngunit hindi iyan Ang pinaka dahilan.
"Dahil para manmanan Ang mga nakaupo sa trono." Seryosong sabi ni Sam.
Tumango ako.
"Dahil para habang hindi pa kumikilos Ang ibang lahi ay uumpisahan ko ng pabagsakin Ang mga nasa trono ng sa ganoon ay hindi na magkaroon muli ng digmaan." Nakangiting sabi ko.
"Ngunit alam kong hindi ko kaya Ang bagay na iyon ng mag-isa. Meroon po bang black market dito?." Serysong tanong ko.
Nagulat Ang mga ito sa tanong ko. Tumango si mama milva at papa Rodolfo.
"Meroon karamihan sa mga binebemta doon ay ibat ibang nilalang. Hindi pa ako nakapasok doon ngunit alam kong napakadelikado nito." Seryosong sabi ni mama Silva.
Delikado talaga ang black market hindi mo alam kung kailan ka aatakihin ng mga taong nakakasalubong mo.
"Bakit mo na itanong Ang tungkol sa bagay na ito?." Tanong ni papa Rodolfo.
Agad akong ngumiti.
"Dahil sigurado akong may binebemta sila doing mga slave." Seryosong sabi ko.
Agad nanigas Ang mga ito sa sinabi ko. Paano ko nalaman?sa tree of knowledge.
"Anong ibig mong sabihin sa bagay na iyan?." Takang tanong ni Sam.
"Dahil noong magkaka-alyansa pa ang mga nilalang Ang prinsesa ay patagong bumuo ng isang organisasyon. Ang organisayong ito ay tinatawag na ngayong black market. Dito niya nilagay Ang mga nilalang na kinukuha nila. Bata o matanda man ang mga ito. Babae I lalake ay lahat pinapahuli niya at ipapabenta niya sa halagang gusto niya." Galit na sabi ko.
BINABASA MO ANG
CHOSEN'S HERO: THE NEW WORLD
Fantasyreyvern Lopez is a simple guy.Nangangarap na magkaroon ng totoong kaibigan na magmamahal ng toto sa kanya ng walang hinihinginh kapalit.Mapait man ang kaniyang sinapit sa mga itinuring na kaibigan at pamilya ay hindi pa rin siya sumusukong sa pangar...