Chapter 2

45 3 0
                                    

Kinabukasan ay nagising nalang muli ako sa pagtawag ni nanay sa labas ng kwarto.

"Celes gising na,may pasok kapa.."

Kaya napabalikwas ako sa aking hinihigaan sa gulat at nalaglag sa sahig.

'Ano ba yan. Ang sakit na tuloy ng likod ko.'

Kaya tuluyan na tuloy akong nagising sa pagkakalaglag ko. Kaya napatayo nalang ako at hinilot ang masakit na likod ko, galing sa pagkakabagsak.

"Opo nanay, gising na po ako!"malakas na tugon ko.

"Oh siya, bumaba kana lang kapag tapos kana.."

Rinig ko pang sabi nito bago tuluyan marinig kona ang papalayo nitong yapak sa pinto ng kwarto ko.

Kaya nagtungo na ako agad sa banyo, para gawin ang morning routine ko.

Pagkatapos ay nagtungo agad ako ng walk in closet. Nagsuot naman ako ng highwaisted black fitted jeans at white fitted croptop.

Pinaresan ko naman ito ng white rubber shoes na snickers. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang straight at mahaba kong buhok.

Sinukbit kona agad ang bag ko at bumaba na. Pagkarating sa dining area ay naabutan ko naman sila mom and dad.

"Good morning mom and dad.."bati ko dito at naupo na sa kaharap nila.

"Good morning din sweetie. Ngayon na ang lipat mo sa bagong mong school. Si manong nalang ang maghahatid sayo papunta ron.."sambit ni mom na tinanguan kolang.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako, dahil paniguradong naghihintay si shan sa labas.

Pupunta nalang daw kasi siya dito para magkasabay kami sa tatransferan namin. Dahil parehas namin hindi alam ang school na yon. Dahil walang nabanggit sila mom and dad tungkol dito.

Pagkalabas ay sumakay na agad ako kay manong berting para magpahatid na. Saktong paglabas namin ng gate ay siyang pagdating ng sasakyan nila shan.

Kita ko pa ang pagbaba nito sa sasakyan at nagtatakbong lumapit sa sasakyan na sinasakyan ko.

Binuksan naman nito ang ang pintuan at naupo sa tabi ko. Nakasuot ito ng black fitted jeans din at pinarisan ng longsleeve na croptop na white at naka rubber shoes din.

"My gosh sisi, excited na akong malaman kong saan ang bago natin school.."masayang sambit nito sa tabi ko.

Na inismiran ko lang at napasandal sa upuan ko. Tumunog naman ang cellphone ko kaya napatingin ako dito.

Napangiti naman ako ng malaman kong sino. Kaya mabilis ko itong sinagot.

[ Hello Cece. Where are you?]

Sa boses palang nito ay may lambing.

"Andito sa loob ng kotse.."

Natawa naman ito sa kabilang linya

[HaHa sorry i forgot may pasok ka pala. Basta ingat ah, malapit na akong umuwi diyan. Magkikita na tayo..]

"Then magandang balita yan Renren. Miss na rin kita. Basta yung pasalubong ko pag-umuwi ka huh? Wag kakalimutan.."

[ Opo. Hindi ko makakalimutan. Oh sige i hang up this call. I call you again, next time. Bye..]

"Bye.."huling sabi ko at namatay na ang tawag.

"Oh nakangiti ka diyan?sino kausap mo?.."tanong ni shan sa tabi ko.

"Yung kaibigan ko.."tipid na sagot ko. Kaya napa'ah'nalang ito.

Marrying The Secret Gangster(Lim University Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon