Chapter 6

49 2 0
                                    

Sa nakagawian ay nagising muli ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko. Kaya napabalikwas ako ng upo.

'Ano ba yan! Wala palang pasok ngayon dahil sabado! Hindi ko tuloy in-off ang pag-aalarm ng alarm clock ko..'

Kaya pinatay ko nalang ang alarm clock at nahiga ulit. Dahil inaantok pa ako. I need some more rest and sleep.

Kaya napapikit ulit ako. Pero agad rin napamulat ng marinig ang pag-tunog ng cellphone ko sa tabi ng lampshade ko.

Kaya inaantok ko itong dinampot at sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan.

[ Hello sisi. Good Morning.. Bangon na.pupunta ako diyan at diyan ako mag-hapon. Dahil alam ko. Bukas sa ibang bahay kana. Sa bahay niyo ni dark kyaah..]sambit ni shan sa kabilang linya at tumili pa ang bugak.

"Tch. Ang aga-aga ay tumatawag. Oo sige pumunta ka dito. Papatayin kona ito matutulog na ako.."naiinis na sambit ko at napapapikit pa.

[ Sisi naman. Umaga na matutulog ka pa din..]sambit nito sa kabilang linya.

"Tch. Bye. Bad morning too you.."sambit ko at pinatay na ang tawag bago humiga muli sa kama.

Napapikit naman ako at mabilis na nakatulog. Nagising nalang muli ako ng may dumagan sa tiyan ko.

Kaya mabilis akong napadilat at mukha ni shan na natatawa ang bumungad sakin. Nakaupo ito sa tabi ko.

Napaupo naman ako sa kama at sinamaan siya ng tingin na ikina-tawa niya lang.

"Anong ginagawa mo dito?.."tanong ko dito.

"Diba tumawag ako sayo sisi kanina na pupunta ako. Hays nakalimutan mona agad. Natutulog kapa talaga pala kanina.."sambit nito at pinanliitan ako ng mata.

"Inaantok pa ako kanina.Tch,bakit ba.."sambit ko.

Napatili naman ito at binato ako ng unan na ikina-kunot ng noo ko.

'Inaano ko to..'

"My gosh sisi. Bukas na ang kasal mo. Kyaah i'm so excited.."tumitiling sambit nito.

"Tch. Mas excited ka pa sakin. Sige ikaw nalang mag-pakasal.."sarkastiko kong sambit dito na tinawanan niya lang.

"Papayag pa ako kung si dave ang papakasalan.."nangingiti na sambit nito na ikina-irap ko lang.

'Pasensya na kayo! May kaibigan akong sobrang rupok!'

Tumayo naman na ako at iniwan siya sa kama ko. Naglakad na agad ako papuntang banyo para gawin ang morning routine ko.

Nang lumabas ako ng banyo ay nakita ko ito sa kama na nakahiga habang binabasa ang isang wattpad book ko.

Kaya napailing nalang akong nag-lakad sa walk in closet ko. Pagkarating sa walk in closet ko ay nagbihis lang ako ng oversize t-shirt at short. Pinatuyo ko narin ng blower ang buhok ko at sinuklayan.

Pagkatapos ay napag-disesyonan ko ng lumabas. Ganon ko parin nadatnan si shan. Nakahiga parin habang nagbabasa.

"Mmm. Hindi kaba sakin sasabay kumain?.."sambit ko. Napababa naman siya ng binabasa niya at tumayo sa pagkakahiga at lumapit sakin.

"Tara.nagugutom narin ako e.."sambit nito at hinatak na ako papalabas ng kwarto ko.

"Hindi kaba kumain sa inyo?.."tanong ko dito ng pababa na kami sa hagdan.

"Kumain. Pero kanina pa yon.."sambit nito. Kaya napailing iling nalang akong sumunod sa kanya.

'Parang siya ang may-ari ng bahay..'

Marrying The Secret Gangster(Lim University Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon