Chapter 4

18 2 0
                                    

Nang mag bell ay napag-disesyonan namin lumabas. Sakto naman paglabas namin ay papalapit sa gawi namin ang apat.

Ang aangas ng dating ng apat at napangiwi nalang ako ng mapabaling ang tingin ko kay steven na nagpapacute sa mga babaeng nadadaanan. Kaya yung babae naman parang maglulumpasay na sa kilig. Kaya napapailing iling nalang ako hanggang sa makalapit sila samin.

"How's your day girls?.."tanong samin ni vien.nag-thumbs up lang si shan sa kanya.

"Ayos lang naman.."sagot ko at nagsimula na kaming maglakad patungong canteen.

Natatawa naman ako dahil ang kalog ni steven at puro kalokohan ng naglalakad kami patungong canteen. Kaya hindi ko maiwasan mapatawa dahil kinukuwento niya ang katangahan ng kaibigan niyang si dark.

Kaya yung isa ay naguusok na ang ilong dahil sa inis sa kaibigan.

"Alam moba celes ng bata yang si dark ay kumain ng colgate yan ta--"

Hindi natapos ang kinukuwento ni steven ng hindi na makapag-pigil ng galit ang kaliwang katabi ko.

"ARE YOU NOT GOING TO SHUT YOUR MOUTH CRUZ OR YOU WANT ME TO DO THAT.."mariin nitong sambit.

Kaya naman napapalunok at nagpeace sign si steven dito. Hindi ko naman napigilan ang tumawa dahil sa galit na galit na mukha ni dark.Kaya kunot noong tumingin ito sakin.

"What's funny.."taas kilay na tanong nito.

"Pft.w-wala.."pigil tawang tugon ko na inirapan niya lang at nauna ng maglakad.

Kaya naman natatawa akong sumunod sa kanya. Nang makarating sa canteen ay ang dalawa muli ang omorder ng pagkain namin.

Mabilis naman silang nakabalik kaya nagsimula na kaming kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang may cellphone na tumunog.

Napalingon naman ako sa kaliwang katabi ko ng cellphone pala niya ang tumunog. Mabilis naman itong tumayo at nagmamadaling lumabas ng canteen.

Siguro sasagotin ang tumawag. Malamang celes!sabi naman ng isip ko kaya napailing nalang ako at nagpatuloy ng kumain.

"Lets go.."

Napatingin naman ako sa kaliwa ko at nakita kong nakatayong si dark habang nakatingin ito sakin.

Magsasalita sana ako,kung sino ang tinutukoy niya ay hindi kona natuloy dahil bigla nalang ako nito hinila palabas ng canteen.

Rinig ko pa ang pagtawag samin ng kaibigan ko at kaibigan niya. Pero seryoso lang itong nakatingin sa dinadaanan namin habang hila hila ako.

Hindi ko nalang namamalayan na nasa parking lot na kami at nasa tapat ng itim na kotse na nasa tingin ko ay sa kanya.

"Hop in.."utos nito at binitawan na ang kamay ko.

Napakunot naman ang noo ko. Saan kami pupunta?bakit niya ko hinila bigla dito?

"Hoy saan ba tayo pupunta huh?Saan mo ko dadalhin?.."nagtatakang tanong ko sa kanya. Kaya napatingin ito sakin.

"Pinapatawag tayo ng parents natin. May importante daw silang sasabihin.."malamig nitong sambit."so hop in.you wasted my time.."masungit na dagdag nito.

Kaya pumasok na ako dahil binuksan naman niya ang pinto sa may shot gun seat. Pagkasarado ng pinto ay umikot naman siya patungo sa driver seat.

"Wear your seatbelt.."maawtoridad na utos nito.

Kaya sinuot ko naman na ang seatbelt. Pagkasuot ko ay mabilis naman niyang pinaharurot palabas ang kotse niya.

Nag-stop pa kami dahil kinausap pa niya ang mga security guard na nagbababantay. Nang natapos ay pinaharurot niya muli.

Marrying The Secret Gangster(Lim University Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon