EPILOGUE

32 1 0
                                    

Epilogue

Meanwhile, outside of the abandon hospital na kinalalagyan ngayon nila celes ay dahan dahan ng nagsisilabasan ang mga tauhan ng apat sa van nitong sasakyan.

"Steven doon kayo sa kaliwa ng iyong grupo.."utos ni dark sa suot niyang earpiece sa tenga.

"Copy bro.."magiliw na tugon naman sa kanya nito."Mapapalaban narin.."dugtong pa nito na ikinailing nalang niya.

"Dave your the right side with your group.."aniya naman niya sa isang kaibigan.

"Copy, lets go men.."rinig niyang aniya nito.

Napalingon naman siya kay vien na nakaupo sa loob ng sasakyan nito habang may kinakalikot sa laptop na hawak. Hindi pa nga siya nagsasalita ay nagsalita na ito at tinanguan na siya nito dahil alam na nito ang gagawin.

Magmomonitor ito sa lahat ng sulok ng abandon hospital at taga bigay sa kanila ng direksiyon na pupuntahan. Tinalikuran na niya ang kaibigan at agad na kinasa ang hawak na baril at mabilis na tinahak ang papasok sa loob.

"Col,you assist those fuckers who want to block my way.."maawtoridad na utos niya dito na tinanguan nito.

Nang tuluyan makapasok ay nakarinig na agad siya ng pagsabog sa kanan bahagi na nasa palagay niya ay gawa ito ng kaibigan. Nagpatuloy siya sa paglalakad at ang kanang kamay na si col ang lumalaban sa humaharang sa kanila.

"I see your wife at ang kasama niya sa fourth floor dragging by two men at papatakas na ang mga ito.."rinig aniy ng kaibigan sa kabilang line na ikinabilis ng lakad niya para makarating ng hagdanan.

Sa bawat nadadaanan niya ay mga malalaking lalaki ang humaharang sa kanya na hindi maiwasan labanan. Hindi niya ito tinutuluyan mawalan ang buhay ang kalaban dahil pinapatulog lang niya ito.

Makakaakyat na sana siya sa hagdanan ng maramdam niyang may sumipa sa bandang likuran niya. Napatigil siya at madilim ang mukha na lumingon dito at isa ito sa kalaban niya kanina. Gising pa pala.

Agad siyang sinugod ng suntok nito na agad naman niyang iniwasan ng walang kahirap hirap at hindi na siya nagdalawang isip na malakas itong sinapak sa mukha na agad na ikinatumba nito sa sahig at nawalan ng malay. Tinalikuran niya ito at iniwan ang kanang kamay niyang si col at tauhan na lumalaban parin para umakyat na sa hagdan.

Sa bawat hakbang niya ay siyang paglakas ng kabog ng dibdib niya. Hold on wife parating na ako. Piping aniya niya sa isip at mabilis na hinahakbang ang mga binti sa napakataas na hagdan.

Napakahaba ng hagdan at pasikot sikot pa ito pero hindi siya nagpatalo sa pagod dahil kaligtasan ng asawa niya ang nakasalalay dito. Nang makarating sa fourth flour ay agad niyang hinakbang ang mga binti para hanapin ito.

"Papaakyat na sila sa rooftop dark.."inporma ni vien sa kanya na agad niyang sinunod at nagtatakbo agad sa hagdanan.

Kahit pawis na pawis na siya ay mabibilis na hinakbang niya ang kaniyang binti sa hagdanan.

Meanwhile, back to celes situation. Kinakaladkad sila papaakyat papuntang rooftop ng kinaroroonan niyang building na abandonadong hospital. Panay parin ang pagpupumiglas niya kahit sobrang sakit na ng braso niya sa pagkakahawak nito sa kanya.

Kailangan niyang maging malakas para makatakas sa mga ito. Lalo na at may kasama siya at may uuwian pa siyang asawa't anak na paniguradong nagaalala na sa kanya.

"Bitawan mo ako! Ano ba!.."sigaw niya dito.

"Tumahimik ka babae.."balik na sigaw ng may hawak sa kanya na ikinaigtad niya.

Nang tuluyan makarating sa rooftop ay isang helicopter ang nakita nila na naghihintay. Mas lalo siyang nagpumiglas ng makita ito. Kailangan namin makatakas.' Aniya sa kanyang sarili at humugot siya ng lakas at agad na siniko ng malakas ang may hawak sa kanya kaya nabitawan siya nito.

Marrying The Secret Gangster(Lim University Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon