Chapter 14

22 2 0
                                    


Nag-simula na ang unang activity na ang maglalaban laban ay mga first year to first year ng bawat courses. Kaya naman ang buseness ad ng first year which is ang samin and engineering ng first year ang unang maglalaban.

Kaya naman ay lumapit na si shan sa mga kaklase namin na sasali sa volleyball. Hindi mo mapagkakaila na ang gaganda ng mga katawan nila habang suot ang two piece at bikini. Isa nadin sa nakakaangat sa mga kaklase namin ay si Zyriel na nakasuot ng pulang two piece kaya naman ay napapatingin sa kanya ang maraming kalalakihan. Dumagdag pa si shan na nakasuot nga ng green na two piece habang katabi nito.

Magka-close na kasi ito syempre hindi kaya nalalayo ang mga ugali nilang dalawa. Nakita ko naman si leila na naka short ng maikli at fitted na sweater na pink kaya kinawayan ko ito na ginantihan naman niya at matamis na ngumiti sakin.

Nawala ang tingin ko sa kanya ng magsalita na ang couch na magsisimula na ang unang activity kaya naman doon kona tinuon ang paningin ko. Marami pang sinabi ang couch hanggang magsimula na nga ang bawat kalaro.

Simula palang ng laro ay ang gagaling na ng bawat grupo kaya halos naghihiyawan na ang mga nanonood kung sino ang bawat pambato nilang grupo.

"WOAH. GO BUSENESS AD ANG SEXY NIYO.."

"GO ENGINEERING KAYA NIYO YAN.."

Kanya kanyang pagche-cheer ng mga nanonood at ang pinaka-malakas ang bawat kaklase ng mga manlalaro namin. Hindi na ako nakikisali sa mga sigawan dahil tanging panonood lang ako sa mga naglalaro.

Nagtagal pa ang laro hanggang sa natapos at ang grupo namin ang nanalo kaya naman ay tuwang tuwa na lumapit samin si shan.

"My gosh nakakapagod sisi,but worth it naman.."aniya nito ng makalapit samin.

"Congrats.."aniya ko na ikinangiti niya naman.

Bumati rin sa kanya ang apat. Syempre kinilig naman ang bugak dahil binati siya ng bebe niya nasi dave at inabutan pa siya ng tubig. Napailing iling nalang akong napaiwas ng tingin sa kanila at napabaling ang tingin ko sa lalaking katabi ko na nakapulupot parin ang braso niya sa bewang ko.

Napababa naman ang tingin nito sakin."Are you hungry?.."may pagaalalang tanong nito.

Napatango naman ako kaya naman ay hinawakan nito ang kamay ko at hinatak na niya ako paalis sa puwesto namin. Ramdam ko naman ang pagsunod samin ng apat.

"Saan tayo pupunta?.."nagtatakang tanong ko sa kanya habang nakatingala ako para makita ang mukha niya.

Lumingon naman ito sakin habang naglalakad kami."Sa resturant dito. Magla-lunch naman na kaya okay ng umalis na tayo doon and ayokong malipasan ka ng gutom.."aniya nito at ibinalik muli sa harap ang tingin kaya naman biglang naginit ang pisngi ko sa huli nitong sinabi.

'Bakit ba sa konting salita niya lang ay sobrang laki na ng impact nito sakin..'

Kaya natahimik na akong nagpatangay sa kanya hanggang makarating kami sa restaurant dito sa resort. Pumasok naman kaming dalawa sa loob na magkahawak ang kamay bago nagtungo sa pang family table dahil may kasama pa kami.

Ipinaghila naman niya ako ng upuan bago ako naupo at saka palang siya naupo sa tabi ko. Naupo naman si shan sa isang gilid ko at kasunod naman niya si dave. Sa harap naman namin ang dalawa.

May lumapit naman samin na waiter at ibinigay samin ang menu kaya isa-isa kaming kinuha ito. Nang natapos namin kami makapili ay ibinigay na namin ang order namin sa waiter. Ilang minuto lang ay dumating din naman agad ang pagkain namin kaya nagsimula na kaming kumain.

"Hey guy's.."

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay may biglang sumigaw na nanggagaling sa entrance ng restaurant na kinakainan namin. Kaya napahinto ako sa pagkain at napalingon sa sumigaw. Nakita ko naman ang masayang si trixie na papalapit samin. Nakasuot ito ng two piece yellow na bra and sa baba ay maong na maikling short.

Marrying The Secret Gangster(Lim University Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon