CELESTINA POINT OF VIEW..
Habang naglalakad na kami patungo'ng canteen kasama ang apat ni shan ay nakaramdam ako ng pagkaihi.
"Guys mauna nalang kayo pumuntang canteen,kailangan ko lang magpunta ng restroom.."paalam ko.
Napatingin naman sakin si shan na nasa tabi ni dave."Samahan na kita sisi.."aniya nito na inilingan ko.
"Wag na shan,saglit lang naman ako. Mauna nalang kayo sa canteen.."pagtanggi ko dito kaya napatango nalang ito sakin.
Napatingin naman ako kay dark na nakatingin pala sakin. Tinanguan ko lang ito bilang paalam at tinalikuran na sila para magtungo sa Restroom. Naglakad pa ako ng pasikot sikot bago ko nahanap ang Restroom. Agad naman akong pumasok ng mahanap at pumasok sa unang cubicle.
Nang success ko ng mailabas ay lumabas na ako ng cubicle at nagtungo sa sink para maghugas ng kamay at tingnan narin ang sarili sa salamin. Ayos naman ang itsura ko at hindi naman akong mukhang hagard kaya naghugas nalang ako ng kamay.
Habang naghuhugas ng kamay ay biglang may tatlong babae ang pumasok. Napatingin pa sakin ang tatlo at tumabi sakin para mag-retouch.
Natapos naman na akong maghugas kaya lalabas na sana ako ng may humawak sa braso ko para mapatigil at lingunin ito. Binigyan ko ito ng nagtatanong na tingin kaya napangisi ito.
"Well may sasabihin pa kami sayo.."aniya nito at binitawan ang braso ko at humarap sakin.
Napakunot naman ang noo ko at inayos ang sarili at tumayo sa harap nila."Ano yon? at nagmamadali ako.."kaswal kong sambit dito na ikinainis nito at napatingin sa dalawa pa nitong kasama.
"Stay away to my dark.."mataray nitong sambit na ikinataas ng kilay ko pero napabuga nalang ako ng hininga at tinalikuran na sila.
"Wag mo kaming tinatalikuran.."
Galit nitong aniya at hinila ang buhok ko.Kaya naginit naman ang dugo ko sa ginawa nito sakin. Kaya hinawakan ko ang kamay nitong humila sa buhok ko at ipinilipit siya patalikod.
"Ahh,let me go bitch.."angil nito sa ginawa ko dahil hawak ko parin ang kamay nito.
"Kung ayaw sa inyo kumausap ng tao wag niyong pilitin at gawan ng dahas,dahil hindi lahat ng tao kilala niyo.."malamig kung aniya at pabalyang binitawan ang kamay niya."And yung sinabi mo sakin.."aniya ko at ngumiti ng matamis sa kanya at nagpatuloy."Sorry pero hindi ko masusunod yan.."aniya ko at tuluyan na silang tinalikuran at lumabas na ng Restroom.
Napahinga nalang ako ng makalabas. Hayss ang bago-bago ko palang dito may incounter na agad na ganon. Ang hirap talaga pag sikat ang kasama. Kaya naisipan ko ng maglakad patungong canteen.
Nang makarating sa canteen ay pumasok na ako at napabaling naman ang tingin ng mga ibang kumakain sakin. Hindi ko nalang sila pinansin at ipinalibot ang tingin ko sa canteen hanggang sa may makita akong kumakaway at si shan iyon. Kaya nagsimula na akong maglakad palapit sa kanila.
"Why took you so long wife?.."tanong agad ni dark ng makalapit at makaupo ako sa tabi niya.
Dahil sa fans mo! Yan sana ang sasabihin ko."Marami kasi ang tao sa restroom kaya natagalan ako.."aniya ko nalang at napaiwas ng tingin sa kanya dahil sa matiim nitong titig sakin na sinusuri ako kung totoo ba ang sagot ko.
Napabuntong hininga ito."Okay lets eat.."aniya nito na mukhang naniwala naman na sa sinabi ko.
Napatingin naman ako sa harap ko at nakataas ang kilay na si shan ang bumungad sakin. At she mouthed 'magsabi ka mamaya sakin ng totoo'ng nangyare okay'. Kaya napatango ako at nag-umpisa ng kumain.

BINABASA MO ANG
Marrying The Secret Gangster(Lim University Series#1)
AzioneCelestina Dwayne Reyes Villagracia, a beautiful and the any boys fantasy to have. A Heiress of Villagracia Clan. The typical girl that want to read books and wattpad than in an relationship that she think made her hurt and dumb in the end. What if...