Chapter 5

23 2 0
                                    

Pagkatapos ng maghapon na klase ay dumaan pa kami ng locker ni shan. Dahil may ilalagay lang ako na gamit. Para hindi ko dalhin pa bukas.

Katapos namin sa locker ay napag-pasyahan na namin maglakad palabas ng building. Napahinto din kami sa paglalakad ng makasalubong namin ang apat.

"Saan ba kayo nagpunta? Nagpunta kami don sa classroom niyo wala na kayo?.."tanong ni steven ng makalapit sila samin.

"Sa locker room.may nilagay lang kasi si sisi na gamit sa locker room niya.."si shan na ang sumagot.

Napabuga naman ito ng hininga."Akala namin nawawala na kayo e.."sambit ulit ni steven.

Naglakad na kami palabas ng building habang nakikinig sa sinasabi ni steven.

Nang makalapit sa gate ay nagpa-alam na samin si shan. Dahil nasa labas na ang sundo niya.

Kaya nagtungo na kami sa parking lot. Nang makarating sa parking lot ay nag-paalam na ang tatlo samin. Kaya sumunod na ako kay dark na palapit sa kotse niya.

Agad naman akong sumakay sa shot gun seat at siya naman ay umikot pa papunta sa driver seat. Kinabit ko naman ang seatbelt ko dahil ayokong siya na naman ang magkabit non sakin.

Napatingin naman ako dito ng napapailing iling ito habang nakatingin ng diretso sa manobela. Binuksan naman na nito ang makina at nag-drive na.

Napasandal nalang ako sa upuan ko at napatingin sa bintana. Naging tahimik lang ang byahe ng basagin niya yon.

"Do you like vien?.."

Napakunot noo naman akong tumingin sa kanya. Seryoso lang itong nakatingin sa kalsada.

"Ako ba ang tinatanong mo?.."takang tanong ko.

Napasulyap naman ito sakin saglit at binalik ulit sa kalsada ang tingin.

"Tsk. Yes.."

"A-ah hindi naman siya mahirap magustuhan dahil nasa kanya na lahat ng tipo ko..but i like him as a friend.."sambit ko. Bakit nga pala niya tinatanong yon?

"Teka bakit mo ba tinatanong pala?.."mataray na tanong ko.

"Nothing.."bagot lang na sagot nito. Tsk magtatanong-tanong. Tapos wala lang pala.

Natahimik na muli ang buo byahe. Hanggang sa hindi ko namamalayan nasa parking-lot na kami.

Mabilis naman akong lumabas na ginawa niya rin. Pumasok naman na ako sa loob at ramdam ko pa ang pag-sunod nito. Kaya napakunot noo ako at humarap sa kanya.

Sumalubong naman sakin ang seryoso lang nitong tingin.

"Bakit mo ako sinusundan papasok ng bahay? Hindi ka paba uuwi?.."sunod sunod na masungit kung tanong.

"Tita Rosana text me na kapag hinatid kita ay dito nadin daw ako kumain ng haponan.."seryoso nitong sambit kaya tumalikod na ako at nagpatuloy na mag-lakad papasok ng bahay.

Pagkarating sa living room ay nadatnan ko sila mom na nag-kukuwentuhan ni dad.

'Mukhang maaga ata sila umuwi ngayon. Mas naunahan pa nila uwi ko galing sa school.'

"I'm home.."pa-sigaw ko.

Napatingin naman sila sa direksyon namin. Ngumiti naman si mom ng matamis.

"Thank you dark sa paghatid sa anak namin. Maupo ka muna ijo.."nakangiting sambit ni mom.

"Its ok tita. I insist to take care my soon to be wife.."tugon naman niya kay mom.

"Haha. You look like your father ijo.."sambit ni mom dito.

Marrying The Secret Gangster(Lim University Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon