Chapter 15

34 2 0
                                    

This is my first time na magsulat ng ganitong scene, kaya bare with it. Read at your own risk. Enjoy!



⚠️Warning (R-18.)




"Guy's maglaro naman tayo boring na eh.."biglang pag sigaw ni shan na nagsawa na ata sa pagkanta."Spin the bottle sino may gusto ng larong ito walang kill joy huh?.."dagdag pa nito at tumingin sakin na ikinataas ng kilay ko kaya natatawa itong umiwas sakin ng tingin.

'Bugak talaga'

Nagsipag sangayunan naman ang iba at nagtungo pa kami sa labas ng cottage dahil sa labas daw kami maglalaro.

"Si dark hanapin niyo na para masali sa laro.."aniya ni steven.

Kaya tumayo naman ako."Ako na ang hahanap sa kanya.."prisenta ko at binigyan naman ako ng nanunuksong tingin ng dalawang si steven and shan na hindi ko nalang pinansin at iniwan na sila para hanapin siya.

Naglakad lakad ako sa dalampasigan kahit malamig ang ihip ng hangin. Napapayakap nalang ako sa aking sarili dahil sa lamig. Hanggang sa hindi kalayuan ay may natanaw akong pamilyar na tao na nakaupo sa buhanginan. Kahit naka side view ito sakin ay kilala ko parin siya.

'Hayst finally nahanap ko rin..'aniya ko sa aking isip at maglalakad na sana palapit sa kanya ng makita kong may lumapit sa kanya na pamilyar sakin na babae. Bigla naman pumasok sa isip ko kung sino nga ba ito. Wala ng iba kung hindi ang babae'ng nakaaway ko lang naman sa girl's restroom na sinabi sakin na layuan ko daw si dark dahil kanya daw ito. Makaangkin wagas. Hindi naman magpapaangkin sa kanya. Lalo na't may nagmamay-ari na. Tch.pathetic.

Kita kong pinapaalis ito ni dark dahil mukhang kinukulit siya ng babae. Kaya hindi na ako nakatiis at naglakad na palapit sa kanya.

"Stay away from me.."rinig kong pagtataboy ni dark dito na lihim kong kinangiti.

Napatikhim naman ako para kunin ang atensiyon nila na naging effective dahil sabay silang tumingin sakin. As usual malamig parin ang tingin ni dark.

"Ikaw na naman bitch. I told you, dont come near to my dark.."aniya ng babae sakin na ikinairap ko lang at lumapit kay dark."Hey what are you doing?.."medyo inis pa nitong dagdag.

Nagtataka naman napatingin sakin si dark ng kunin ko ang kamay niya kung nasaan andon nakasuot ang singsing niya. Humarap ako sa babae na may inis parin sa mukha at ngumiti ako ng nakakaasar dito.

Tinaas ko ang kamay ni dark."Did you see this?.."tanong ko at tinutukoy ang singsing nitong suot at tinapat ko pa ang aking kamay na nakasuot din ang kapares nito. Kita ko naman ang pagkabigla nito sa nakita."So ikaw ang wag lumapit sa kanya bitch.."seryoso kong dagdag.

Umiling iling itong napatingin samin ni dark at nagulat pa ako ng may tumulong luha sa mata nito at nagtatakbo palayo sa amin. Napailing nalang ako at napabuga ng hangin sa nakita ko.

'Ganon ba talaga siya kapatay kay dark para iyakan ito.'

Napalingon lang ako sa katabi ko ng tumikhim ito."My hand.."aniya nito kaya naman parang napapaso akong ibinaba ang kamay niya at napaayos ng tayo at lumingon sa paligid para pakalmahin ang sarili sa kahihiyan na ginawa ko.

Ilang beses akong napatikhim para maayos ang boses ko at makapagsalita ako na nagawa ko naman.

"Pinapatawag kana nila kaya andito ako.."aniya ko at tinalikuran na siya.

Ramdam ko naman ang pagtayo nito at nang maglakad na ako ay ramdam kong nakasunod siya sakin. Hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan nila. Mapanukso pa nila kaming tiningnan ng makalapit sa kanila na pinagkibit balikat ko nalang at naupo sa tabi ni renren.

Marrying The Secret Gangster(Lim University Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon