Chapter 19

15 2 0
                                    


Read at your own risk!

⚠️Warning (R-18.)




~Sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihiling.
At nung dumating ang aking panalangin ay hindi na maikubli.
Ang pag-asang nahanap ko sayong mga mata at ang takot kung sakali mang ika'y mawawala.

At ngayon nandiyan kana di' mapaliwanag ang nadarama.

Handa ako sa walang hanggan di' paaasahin dika sasaktan.
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at Ako...

Simula ko habang sa chord parin ng guitara nakatingin at nag i-strump. Siyaka babalik muli ng tingin sa kanya.

At sa wakas ay nahanap ko narin ang aking tanging hinihiling.
Pangako sayo na ika'y uunahin at hindi na itatanggi
Ang tadhana'ng nahanap ko sayong pagmamahal ang dumulot sa pagibig natin na magtatagal...

At ngayon nandito na aking hahawakan iyong mga kamay.
Di' kana magiisa sa hirap at ginhawa ay iibigin ka.
Mula noon..hanggang ngayon.
Mula ngayon.hanggang dulo...
Ikaw at Ako.

Pagtatapos ko ng kanta at siya nama'ng hiyawan nila shan at palakpak. Pati ang parent's namin ni vryan ay nakisali narin sa sigawan.

Bigla naman akong nahiya dahil sa sigawan nila kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko at nilapag na sa upuan ang gitara. Pagharap ko ay siya naman pagkulong sakin ng yakap ng isang bisig. Nakilala ko agad siya sa pabango nito kaya yumakap narin ako pabalik.

"Thank you for sang me a song.."malambing nitong aniya at bumitaw na." You have a angelic voice wife.."dahdag nito na ikinainit ng pisngi ko.

Punong puno ng pagmamahal ang mga mata nito na nakatingin sakin. Kaya hindi ko maiwasan mapangiti. Lumapit naman na kami sa kaibigan namin at inasar muli ako nila shan.

Nang mag-7 na ay nagpaalam ng uuwi ang parents namin dahil may aasikasuhin pa sila at aalis ng bansa sila mom and dad para asikasuhin ang company nila don sa Australia.

Kaya kami nalang magka-kaibigan ang naiwan sa bahay. Tumulong naman sila sa pagliligpit samin. Nang natapos ay nagkayayaan ang boy's na mag-inoman malapit sa pool. Sasali sana kami pero pinigilan nila kami dahil bawal daw samin ang alcohol. Kaya naisipan nalang namin manood ng movie sa netflix.

Ilang oras din sila dito sa bahay bago sila nagpaalam na uuwi na. Alas 10 na kasi ng gabi kaya kailangan na nilang umuwi. Medyo lasing narin ang mga boy's pero kaya pa naman daw nila mag-drive.

"Sige sisi uuwi na kami.."paalam ni shan sabay halik sa kanang pisngi ko.

"Sige magiingat kayo.."aniya ko at bumaling ng tingin kay dave."dave ingatan mo ang gaga na yan.."aniya ko dito na tinanguan naman nito at si shan naman ay napabusangot sa sinabi ko.

"Ang harsh mo talaga sisi.."pagrereklamo nito na hindi kona pinansin dahil kila leila at zyriel naman ako tumingin.

"Ingat sa pag-uwi.."aniya ko dito na nginitian nila at tinanguan.

"Dont worry celes. By the way thank you sa pag invite I enjoy.."nakangiting aniya ni zyriel.

Nagsi-sakay na sila sa mga sasakyan nila. Hinintay pa namin na makalabas sila sa gate bago kami maglakad papasok ng bahay.

Nang makapasok sa loob ay napag-pasyahan ko ng umakyat sa hagdan. Ramdam ko naman ang pagsunod ni vryan sakin. Ramdam ko pa ang paglapit nito sakin.

"Wife can we make a baby now?.."

Bigla naman ako napahinto dahil sa binulong nito at nagsitaasan din ang balahibo ko sa katawan. Pero mabilis din akong nakabalik sa wisyo at sinamaan siya ng tingin.

Marrying The Secret Gangster(Lim University Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon