Chapter 24

13 1 0
                                    



Napabaling lang ang paningin ko ng may magsalita sa tabi ko. Napatingin naman ako dito na nakatingin pala sakin.

"Not bad.."aniya ko at mabilis na ibinagsak ang katawan sa kama niya ng makalapit dito.

Napailing nalang ito at napangiting lumapit sakin at patagilid na nahiga paharap sakin.

"Sleepy?.."tanong nito na siya ko naman tinanguan kaya natawa nalang ito at hinapit ako palapit sa kanya.

Humihikab naman akong yumakap sa kanya ganon din naman siya at pinaunan ako sa isang braso niya. Naramdaman ko rin ang pagsuklay niya ng buhok ko kaya mas lalo akong napahikab.

"Let's sleep together.."he whispered bago ko tuluyan ipinikit ang aking mga mata.

Kinabukasan ay maaga palang ay nakabihis na kami para maglibot sa hacienda.

Naka summer dress na pinatungan ng blazer ang sinuot ko habang sa paa naman ay flat shoes lang, Lahat kami na girl's ay excited ng magtungo sa hacienda para sumakay ng kabayo.

Sumakay kami ng unir papunta'ng hacienda at hindi ko naman maiwasan mamangha sa nadadaanang paligid. Who could be na may ganito pala kagandang lugar dito. If pagbibigyan ako na papipiliin kung saan ko gusto manirahan ay pipiliin ko dito sa probinsya ng Davao dahil mas peaceful ang paligid at walang toxic.

Nang makarating kami ay inalalayan agad ako ni vryan makababa sa unir habang nililibot ko naman ang paningin ko sa paligid habang may pagkamangha na makikita sa aking mga mata. Marami puno ng mangga sa paligid at madamo na ang nadadaanan namin na tinatawag nilang bermuda grass.

Nagsimula kaming maglakad habang hindi nawawala ang pagkamangha ko sa paligid. Sinalubong naman kami ni kuya kris at hinatid sa kulungan ng mga kabayo.

Nang makarating sa malaking bahay kung saan nakalagay ang mga kabayo ay naiwan kaming mga girl's sa labas dahil ang boy's at si kuya kris ang pumasok para kumuha ng kabayo'ng sasakyan namin. Ilang sandali lang ay lumabas na sila. Unang lumabas ay steven habang may akay akay na kabayo na kulay brown at ang kasunod ay si vien na may akay akay na puti na kabayo. Habang ang pangatlo'ng lumabas naman ay si dave na may akay akay na kabayo na brown na may batik na puti at sumunod ay si vryan na may akay akay na itim na kabayo.

Lumapit naman sila samin kaya nakita namin mabuti ang mga kabayo'ng akay nila. Napatingin naman ako sa kabayo'ng hawak ang tali ni vryan.

"Max meet your beautiful mom.."aniya ni vryan sa kabayo habang hinihimas ang ulo nito. Umungol naman ito kaya napaatras ako."Dont scared wife. He's kind.."aniya pa nito.

Kaya napahinga naman ako ng malalim. Inakay niya naman ako kay max at kahit nanginginig ang kamay ay hinaplos ko ng mahina ang ulo nito na siya naman nito ikina ungol. Hanggang sa nagpatuloy ako sa paghaplos na ikina gusto naman ng kabayo.

Napangiti naman ako ng hindi na ito nagkulit."Hi max.."aniya ko sa kabayo habang nakangiti.

"See. He's kind to his mom.."aniya nito na siya ko naman ikinatingin sa kanya. Napaiwas din ng kindatan ako nito.

"Tch.ang harot mo. Sumakay na tayo kay max.."pangiiba ko nalang.

Natawa naman ito at mabilis akong binuhat pasakay sa kabayo. Napatili pa ako ng makasampa na ako sa kabayo habang siya ay tumatawa lang sa reaction ko. Tsk buysit!.

Sinamaan ko naman ito ng tingin dahil tumatawa parin ito at ilang sandali lang ay nakasakay narin siya sa kabayo habang nasa likod ko siya. Nagsimula naman niya'ng palakarin ng mabagal lang si max habang sinusundan na namin ang anim habang nakasakay sa sarili nilang kabayo.

Marrying The Secret Gangster(Lim University Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon