Ilang sandali pa ay natapos na akong kumain. Tutulungan ko sana siyang magligpit but he refuse me kaya hinayaan ko nalang siya. Lumabas muli ito para isauli na sa ibaba ang pinagkainan namin.
Napasandal nalang muli ako sa headboard ng kama. Bigla naman ako nakarinig ng pag-ring ng phone kaya hinanap ko ito na akin palang phone na nasa ibabaw ng bed table. Mabilis ko namann ito kinuha at sinagot ng malaman kung sino.
[ Sisi nasaan kana? Ilang oras nalang magi-start na ang First Activity ngayong araw..] malakas nitong aniya sa kabilang linya kaya napalayo ko ng konti ang phone sa tenga ko. Mababasag yata ang eardrums ko sa bugak na ito eh!
Napabuntong hininga naman ako."Nandito pa ako sa kwarto shan..Siguro maya maya bababa na kami.."aniya ko.
"Okay. Basta bilisan mo. By the way good morning. And may iku-kwento ka mamaya. Kung bakit mo ininom yon kagabi sisi?.."aniya nito kaya napahinga nalang ako. Wala talaga akong takas sa bugak na ito kahit kailan.
"Oo. Sige. Bye.."aniya ko at agad na siya binabaan ng tawag.
Nakarinig naman ako ng pagbukas ng pinto na hindi kona tiningnan kung sino dahil kilala ko naman kung sino ito. Tumayo nalang ako sa pagkakahiga at napapangiwing bumaba sa kama.
"Where are you going? Akala ko ba hindi mo kayang lumakad?.."nagaalalang tanong nito.
"Lalabas na. Magsisimula na kasi ng ilang oras lang ang activity. Siyaka medyo kaya ko naman maglakad na.."aniya ko ng makababa ng kama at magsimula maglakad patungong pinto kahit napapangiwi at iika-ika ang lakad ko.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito bago ko maramdaman na umangat ako dahil binuhat ako nito ng bridal style.
"Okay. I carry you to go down there.."aniya nito sa seryosong boses at nagsimula na kaming lumabas ng kwarto.
May napapatingin samin na mga students din na kakalabas lang ng ibang kwarto. Hindi ko nalang sila pinagkaabalahan pa na pansinin dahil sa taong nagbubuhat lang sakin ako nakatingin.
Hanggang sa makapasok kami ng elevator at ako na ang pumindot ng button patungong ground floor dahil nga buhat niya ako. Ilang sandali pa ay bumukas na ang elevator at tinahak naman namin ang palabas. Nang makalabas ay sa hindi kalayuan ay tanaw kona ang mga istudyante malapit sa dagat.
Naglakad na muli si dark palapit doon habang buhat ako. Hindi ko naman maiwasan mailang ng samin bumaling ang tingin nila.
Kinulubit ko si dark kaya napatingin ito sakin ng nagtataka."Ibaba mona ako. Kaya ko naman maglakad na.."aniya ko.
Tiningnan ako nito ng matiim bago mapabuntong hininga at ibinaba ako."Are you sure na kaya mong maglakad?.."may pagaalalang tanong nito ng maibaba ako.
Ngumiti naman ako dito at tumago kaya wala na siyang nagawa kundi mapabuntong hininga. Nauna na akong maglakad sa kanya na medyo paika-ika at pilit inaayos ang lakad. Kita ko naman ang mapanuring tingin ni shan at bahagya napakunot ang noo ng papalapit ako sa kanya.
"Anyare sayo sisi? Bakit ganyan ka lumakad?.."tanong nito.
Bigla naman akong kinabahan sa tinanong nito pero nagawa ko parin ang ngumiti sa kanya."Nadulas kasi ako kanina sa banyo ng maliligo ako.."pagdadahilan ko. Tinignan pa ako nito ng matiim at parang sinusuri kong nagsisinungaling ba ako kaya napaiwas ako ng tingin dito.
"Basta sa susunod magiingat kana sisi.."aniya nito kaya napahinga ako ng maluwag dahil naniwala si shan.
"Oy bro good morning.."aniya ni steven na nakatingin sa katabi ko.

BINABASA MO ANG
Marrying The Secret Gangster(Lim University Series#1)
ActionCelestina Dwayne Reyes Villagracia, a beautiful and the any boys fantasy to have. A Heiress of Villagracia Clan. The typical girl that want to read books and wattpad than in an relationship that she think made her hurt and dumb in the end. What if...