Chapter 17: Gwyline
MATAPOS ang practice namin at surpresang pakana ni Shydeen ay bumalik na kami sa room dahil may last subject pa.
I felt something strange when our class goes on. Hindi ako mapakali na ewan kaya nagtataka ako kung bakit.
I looked on Shydeen who was busy texting on her phone. Hindi na naman nakikinig ang kambal kong matigas pa ang bungo sa pader. I rolled my eyes to the thought. Kapag sasabihan ko 'to, natitiyak kong ipapa-special mention na naman ang pangalan ko kaya mas mabuting huwag na lang pansinin ang babaeng hindi maistorbo.
Pinilit kong makinig sa nalalabing mga oras pero hindi ko maintindihan ang sinasabi ng teacher namin sa bumabagabag na kaba sa sistema ko. The class ended without me knowing anything. Tipong magsasalita ang guro pero hindi naman pumapasok sa utak ko dahil diretso labas 'yon sa kabilang tainga.
I anxiously fixed my books and pens, and put it in my bag. Nang kukunin ko na ang bag ay kumaripas naman ng takbo si Shyden palabas.
"Bye, Ash! Una na 'ko! Uwi agad ako!" she shouted and dashed off without waiting for my response.
Umikot ang mata ko sa ere at saka kinuha na lang din ang bag at mga libro.
Saan na naman ba 'yon magpupunta? Napailing ako at naglakad na patungo sa locker para ilagay ang mga libro ko.
Dahil sa paglalakbay ng isip ko habang patungo sa sariling locker, hindi ko napansin ang paparating na mga estudyante at nabangga ang isa sa kanila.
Our body collided and lost our balanced. Unang humalik sa sahig ang pang-upo ko at nagkalat ang librong dala. Ganoon din ang nangyari sa nakabangga ko.
"I'm sorry! Hindi talaga kita nakita! Sorry po talaga!" taranta kong paumanhin at kinuha ang mga paninda niyang nagkalat sahig.
My goodness, Asheen! Nangunsyume ka pa ng iba!
Isa-isa kong pinulot ang mga kendi na tinitinda niya at iilang mga pangmiryenda. May spaghetti ring natapon at hindi na p'wedeng pakinabangan pa kaya halos manlumo ako sa nakitang reaksyong nasa mukha ng nakabangga kong lalaki.
Sa pagkakatanda ko, siya itong lalaking nakita ko sa senior high school department. He's so cute, I admit that. Those chinito eyes are so cute!
I didn't expect that he was selling these in this school. I mean, I'm not here to judge him or what but he have the looks, bihira sa ganiyang lalaki ang nagtitinda. Kalimitan kasi ay nahihiya sa ginagawa niyang iyan. I salute him for that, napakasipag na tao.
Sa pagkakatanda ko, Aideon Delconde ang pangalan nito at alam kong alam niya ang pangalan ko dahil nagpakilala rin ako noon sa kaniya.
"I'm sorry, miss, hindi kita nakita. Nadumihan pa tuloy ang uniform mo. I'm really sorry for that," he sincerely apologize.
I shook my head at tinaas ang dalawang kamay, sinesenyahan na hindi niya kasalanan. "Naku! Hindi, kasalanan ko po. Ako 'yong hindi tumitingin sa dinaraanan, sorry talaga. Babayaran ko na lang itong mga natapon ko. Pasensya na po talaga." Kinuha ko ang wallet at nilabas ang isang libo. "Here, take this po. Pasensya na talaga."
"No, no, it's okay. Kasalanan ko 'yon, hindi mo na kailangan bayaran," he paused. May kinuha siya sa bulsa niya kaya napatitig ako kung ano man iyon at isang puting panyo ang nilahad niya sa akin. "Here. Take this. Nadumihan pa tuloy ang palda mo and please stop saying po,hindi pa ako ganoon katanda." Ngumiti ito kaya sumilay ang mapuputi nitong ngipin.
Mas lalo yatang nawala ang maliit nitong mata dahil sa ginawa niyang 'yon. Though, mas lalong nadagdagan ang kakyutan niya.
Minabuti kong kunin ang panyong ino-offer niya dahil nakahihiya na talaga. Pero agad kong nilagay sa kamay niyang iyon ang isang libo na nagpakunot sa noo nito.

BINABASA MO ANG
Falling to the Campus Playboy (Leehinton Boys #2)
Teen Fiction(COMPLETED) Leehinton Boys #2 Ash was a distant girl who preferred to read books than dating guys who liked her. She has no experienced having a relationship because of what her family have been through. She thought that fairytales only exist on boo...