Chapter 20: Tears
I DON'T know where I am right now, all I know is that I keep on running away from them. Hindi ko na alam kung saang banda na ba ako ng Caloocan.
People will think that I'm crazy dahil lakad at takbo ang ginagawa ko habang malayang umaagos ang luha sa pisngi ko pero wala akong pakialam.
Liam and Gwyline will have a baby? They will have a baby?!
Sa isipin pa lang na iyon ay halos gumuho na ang mundo ko. At wala na akong pakialam sa mga taong nakakakita sa 'kin. Mas lalong tumatagal ang mga katanungang iyon sa isipan ko ay parang mas lalo pinipiga itong puso ko.
Akala ko ba ay ako lang? Nagtiwala ako sa sinabi niyang nagbago na siya. Kumapit ako sa salitang iyon at binalewala ang mga ideyang lolokohin niya lang ako sa huli. Nagpaligaw ako dahil nakikita ko ang malaking pagbabago niya.
In the beginning, mali nga talaga na nahulog ako sa kaniya. Sasaktan niya nga lang talaga ako. Magagaya ako sa mga babaeng binasura niya. Dapat pala ay pinkinggan ko ang utak kong huwag siyang pansinin at balewalain siya ng tuluyan.
Napaangat ang kamay ko at agad na pinahid muling pagtakas ng luha sa mga mata. I stop walking when I felt exhaustion. Naitukod ko na lang ang kamay sa magkabilang tuhod at hinihingal na nilingon ang tinatahak na daan.
Naigala ko na lang paningin sa palagid nang humupa ang hingal na nararamdaman. Familiar pero hindi ko talaga kabisado ang lugar. Malimit lang akong gumala dahil ayaw kong lumabas ng bahay at tinatamad makipaghalubilo sa iba.
"Asheen? Asheen Ignacio?" tawag ng isang lalaki mula sa likuran ko.
I was confused when I heard the voice because I am not familiar with it. Dahil sa kuryusidad kung kanino nanggaling ang boses na 'yon ay pinihit ko ang katawan para harapin siya.
My eyes widened when I recognize the man who called my name. It was him, Aideon Delconde.
Napabaling ang paningin ko sa hawak nitong pinaglalagyan niya ng mga tinda niya sa school. It was empty, siguro ay naubos lahat ng paninda nito.
He smiled on me. "Hey," aniya.
"Uhm. . . hi?" patanong kong bati not sure what I would say to him. Am I going to address him as kuya? But it's kind of. . . awkward.
He chuckled and later on his forehead knotted. "Umiyak. . . ka ba?" he asked ngunit nagtutunog nag-aalinlangan.
Agad akong napaiwas ng tingin at pasimpleng pinahiran ang mata. I blinked a couple of times, inayos ko rin ang sarili at ang maikling buhok. I cleared my throat and face him as I smile. "Nope. Biglaan kasi 'yong hampas ng hangin kaya ayon. . . napuwing." Tawa ko pa.
Makatotohanan 'yon, Asheen? What a liar.
Tinitigan niya ako nang mabuti, tinitimbang kung totoo ba ang sinabi ko. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko talaga kayang magsinungaling. I heard him sighed kaya napabalik ang tingin ko sa kaniya.
I thought he will asked me what's my problem o kung bakit ako umiiyak pero wala akong narinig sa kaniya na ganoon.
"Uwi ka na?" biglang tanong niya.
"Ha? Ah. . . oo pero naligaw kasi ako. You know, I'm not familiar with this place that much," I reasoned out.
Napatigil siya sandali pero kalaunan ay nagsimula itong maglakad kaya napasunod ako. "Bakit mag-isa ka lang naglalakad dito? Alam mo bang delikado sa lugar na 'to lalong-lalo na at babae ka? Saan na 'yong kasama mo?"
"Si. . . Shydeen?" tanong ko pabalik sa kaniya.
"Hindi! 'Yong foreigner? Saan ba siya? Ang galing, pinapabayaan ka niyang mag-isa rito!" iritadong aniya.
BINABASA MO ANG
Falling to the Campus Playboy (Leehinton Boys #2)
Teen Fiction(COMPLETED) Leehinton Boys #2 Ash was a distant girl who preferred to read books than dating guys who liked her. She has no experienced having a relationship because of what her family have been through. She thought that fairytales only exist on boo...
