CHAPTER 13

914 37 5
                                    

Chapter 13: Facing the fear



WHY do I love ballet? Siguro dahil ito 'yong bagay noon na pumukaw sa batang isip ko. I'm curious that time at hindi ko akalain ang damdaming iyon ang naghatid sa akin para mahalin ito.

Ballet was one of my favorite thing in the world. Ito ang takbuhan ko kapag malungkot ang araw ko, kapag pinapagalitan ako ng ama ko at sa mga pinagdadaanan ko sa murang edad. It was like an escaped room for me. Kasi kahit na gaano pa kabigat ang buhay ko, sa ballet nagmumula ang lakas ng loob at saya ko.

Pero sabi nga nila, tuwing nasa kasagsagan ng karera sa buhay ay bigla na lang may batong haharang sa daanan natin. May bagay na lulumpo sa atin. And to my case, literal akong nalumpo.

Napatitig ako sa ballet shoes na nasa kamay ko. As I traced the pink ribbon on it, I remembered Liam said to me earlier.

"Do you know why you have that?"

Liam is pertaining about my trauma. I don't know why did I tell him that. Maybe this is the time for me to open up it to someone? And I love the feeling of saying that to him, parang gumaan ang loob ko na may taong mapagsasabihan ako at iintindihin ako.

Nasa may mga food cart kami ngayon, na nasa plaza. Pauwi na rin kami pero itong si lIam ay nagutom kaya nagyaya rito. Hindi ko in-expect na mahilig pala siya sa mga street foods. Kalimitan kasi sa mga mayayaman ay hindi alam ang mga pagkaing ito at nandidiri sila dahil pagkaing kalye.

Hindi naman pala siya maarte sa mga pagkain, iyon ang una kong napansin. Dahil kahit anong i-suggest ko ay kakainin niya. He's enjoying the food kaya natutuwa ako.

"Try this, masarap 'to." Inabot ko sa kaniya ang calamares na sinawsaw sa sukang may mga sili. Tinanggap niya naman iyon at walang pag-alinlangang sinubo. Nanlaki pa ang mata at napa-thumbs up pa.

"Ang sarap. Ano 'to?"

Nakaisip ako ng  kalokohan kaya hindi ko sinabi kung ano ba amg kinain niya. "Puwet ng manok." Liam's eye widened but I just laughed at him. Mabilis kong binawi ang sinabi. "I'm just kidding. Calamares 'yan."

Matapos kumain ay naglakad-lakad kami. May mga estudyanteng namamasyal dito at may mga batang naghahabulan sa plaza. Binalot kami ng katahimikan pero binasag iyon ni Liam.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina. Do you know why you have that trauma?" Napailing ako. "Because it exist for you to overcome it, Ash. It exist not to be a bad memory, it exist in order for you to be strong, to become dauntless and face your fight without fear. I know you can overcome it. I'm here. Let's overcome it together."

We will overcome it together. 

Iyon ang paulit-ulit na nagpi-play sa utak simula pa kanina. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong ito, simpleng salita lang iyon sa iba pero sa akin, iba ang impact no'n. Parang nawala ang mga pangamba ko at binuhay no'n ang parte ng puso ko na nakabalot sa kadiliman sa matagal na panahon.

After I knew it, nakasuot na ako ng ballet shoes. I enhaled and closed my eyes as a wave of memory began to play on my mind.

Paulit-ulit kong nakikita si dad, sa bawat pagtaas ng kamay niya, sa tubo at kung ano pa. Naging mabilis ang paghinga ko kaya napamulat ako ng mata at napaupo sa sahig ng kuwarto ko.

Sumalubong si Shin sa akin. Kumakahol at parang sinasabing magiging ayos lang ang lahat. Parang alam nitong nahihirapan ako ngayon that made me hugged him. Doon ako humuhugot ng lakas.

"Shin, will I overcome this?" tanong ko sa walang kamuwang-muwang na aso. Tumahol siya at dinilaan ang baba ko habang kinakawag ang buntot. Ilang minuto ang nilagi ko sa posisyon naming iyon ni Shin hanggang sa magpasya akong tumayo at nilagay siya sa kama. "Watch over for mommy, ha?" Kumahol ulit ito kaya napangiti na ako ng tuluyan.

Falling to the Campus Playboy (Leehinton Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon