Chapter 16: Her
"HOW'S the audition?" bungad ni Liam nang makalabas ako sa theatrical building. He was smiling widely na naging dahilan para gumaan ang loob ko.
I pulled the sleeves of my white shirt at kunwaring inayos ang palda. Hindi ko na ulit sinuot ang pang-itaas na uniform dahil baka makita ni Liam ang sugat ko sa braso na kagagawan ni Gwyline. Paniguradong susugurin niya ng wala sa oras si Gwyline kapag nagkataon. At alam kong hindi niya palalampasin ito, kahit na babae pa si Gwyline ay papatulan niya 'to.
I walked towards him and weakly smiled. "I didn't make it," I stated.
Hindi ko alam kung anong expression ang pinapakita niya pero I think nag-iisip ito kung paano mapapagaan ang loob ko. Pero, natatawa ako sa mukha niya, para siyang natatae na hindi maintindihan.
Nahabag ako sa mukha niya kaya agad kong binawi ang sinabi at nagtatalon sa harap niya. I even hold his hand while jumping. "I was chosen! I am perforning as Giselle!"
His eyes widened at tumalon na rin kagaya ng ginawa ko. He was so happy and I can't help it and smile.
"Wooh! Congratulations!" sigaw niya at niyakap ako. "Asheen will perform as Giselle! Humanda kayo at ipapakita ko sa inyo na magaling itong mahal ko!" dagdag pa niya.
Nanlaki ang mata ko at sinipat ang paligid. Gusto ko na lang matunaw sa kinatatayuan nang makitang may iilang nakarinig no'n. Goodness!
"Hoy! Liam! Ano ba? Nakahihiya!" suway ko sa ingay niya.
"Bakit kita ikahihiya? You're the love of my life."
Napairap ako sa entry niyang 'yon. Kahit kailan talaga ay ipapasok niya na lang ang mga ganoong bagay sa gitna ng usapan namin. Geez. Liam is Liam.
"Tara na nga! Baka kung ano pa 'yong isigaw mo riyan at tuluyan na akong malusaw sa hiya!" asik ko pero natatawa pa rin.
Mabilis kong kinuha ang kamay nito para pasunurin sa 'kin kaya wala siyang nagawa. Rinig ko rin ang mahina niyang pagtawa na parang musika sa tainga ko kaya mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko.
Habang hawak ko ang malambot nitong kamay ay hindi magkandamayaw sa katatalon itong puso ko. Baduy man pero mukhang malalim-lalim ang bagsak ng puso ko dahil kay Liam. At kagabi, I just realized that I can't no longer live without him by my side. Sounds cringe to everyone but I can't no longer help it.
Nasanay na akong narito siya sa tabi ko. Ang makukulit nitong mga ginagawa kapag wala ako sa mood. Ang mga patutsada nitong mga biro tungkol sa angkin niyang kagandahang lalake at 'yong mga linya niya tungkol sa pag-ibig. It was funny how Liam completed my everyday life.
Alam ko namang bata pa kaming dalawa at kapag napag-uusapan ang pag-ibig, parang agad na magdududa ang mga matatanda dahil nga raw nasa murang edad pa kami. We are in 10'th grade, oo nga, bata pa para sa usapang pag-ibig pero hindi naman iyon masusukat sa edad, e. Basta ba ay alam namin ang tinatawag na limitasyon sa edad naming ito and we both know that.
I think, it's time for me to give the answer he wanted the most. I'm anxious, kagabi pa ito nang maisip ko. Ilang ulit kong tinanong ang sarili kung ito na nga ba ang tamang oras na sagutin ko si Liam.
Was this the right time, Lord?
Napatigil ako sa paglalakad nang maramdamang huminto bigla si Liam sa likuran ko pero bago ko ipihit ang katawan para makaharap siya ay biglang may tumakip sa mata ko. And I know, this is Liam.
"Liam?" I freak out. Akma ko na sanang kukunin ang panyong tinakip sa mata ko pero agad na hinawakan ni Liam ang kamay ko.
"Shh. I'm here.I have something for you. Huwag mong tanggalin 'yan kung ayaw mong halikan kita rito," banta niya kaya napabitaw ako sa nakatakip sa mata ko.

BINABASA MO ANG
Falling to the Campus Playboy (Leehinton Boys #2)
Genç Kurgu(COMPLETED) Leehinton Boys #2 Ash was a distant girl who preferred to read books than dating guys who liked her. She has no experienced having a relationship because of what her family have been through. She thought that fairytales only exist on boo...