CHAPTER 3

1.5K 54 10
                                    

Chapter 3: Boys are boys



WHEN I came home, Shin greeted me. Tumalon ito sa akin nang nasa pinto pa lang ako. All my embarassment and annoyance disappeared in an instance.

Kinawag-kawag nito ang buntot at masuyong hinahagod ang ulo nito sa paa ko. Kumahol siya nang kumahol animo'y sobrang saya dahil nakauwi na ako.

I laughed because of that. My adorable chow-chow was sweet as sugar. Hinaplos ko ang ulo nito at tuwang-tuwa naman ito sa ginagawa ko.

He never failed to let me smile. Siya na lang yata ang natitirang nagpapasaya sa akin sa mundong ito.

Tumayo na ako habang kalong-kalong si Shin. Pumunta ako sa kitchen para kunin ang food niya. Kumuha rin ako ng milk para sa kaniya at nilagay sa cute nitong lagayan ng pagkain. His plate was shaped of his paws at kulay asul. Sobrang cute!

"Aba, hindi na pinapansin si mommy, por que may kinakain, ah?" natatawang saad ko sa kaniya.

Abalang-abala na ito sa pagkain kaya tumayo na ako para iwan sa rito sa baba. Kapag natapos naman siya ay pupunta naman iyan sa kuwarto ko.

I changed my clothes at pinagpasyahang magpahinga na muna bago mag-shower. Baka kasi kapag pagbinasa ko ang paa ko, e, mapasma pa. Buong araw pa naman akong nakamedyas at sapatos. Ayaw kong magsilabasan ang ugat sa paa ko, ano!

I sat on my bed and massaged my feet. Nanakit ito dahil kalalakad ko kanina sa school at sa labas. This is the first day of class, so expected ko na ang ganito.

Masakit din ang likod ko sa bag na sobrang bigat kanina dahil sa mga books. Mabuti na lang talaga ay inimbento ang locker kaya parang nawala ang kalahating porsyentong bigat ng backpack ko.

I layed on my bed and grabbed my phone on my bedside table. I opened my social media account, particularly on facebook. I am not usually doing this but something on me was pushing to scroll here.

Habang abala sa pag-i-scroll ay biglang may nag pop up na message sa messenger ko. Agad akong pumunta sa messages. I was shocked because of what I saw. It was Liam.

Liam Scott
5:42 pm

Hi! I can't believe we r friends here in fb
Can I call dis destiny?

Hindi ko iyon si-n-en dahil isa-isa lang ito nagpa-pop up sa notification bar. Mabilisan kong pinatay ang active status ko.

Bigla ko tuloy naalala ang pagsalo niya sa akin kanina at dibdib ko ang nahawakn niya. Napapikit ako nang mariin at bumalik ang pagkapahiya sa mukha.

Napapadyak ako sa ere at pinagsusuntok ang unan sa gilid ko. Why him?!

Napabaling ulit ang tingin ko nang tumunog ang messenger ko. Bumungad ulit ang mukha ni Liam. Sunod-sunod ang pagtunog ng messenger ko kaya nakaiirita pakinggan. Kaya para matigil iyon ay  wala akong choice kung hindi buksan ang messages niya.

Liam Scott
5:46 pm

Ay pinatay ang active status
Meganun
I know ol ka
Hey
Can I be friends with u
U r ignoring me
Sa gwapo kong to u r ignorung my chats?
ihnoring
ignkring
pakshet ignoring kasi yun

Napairap ako. Galawan nga naman, oo. Si-in-een ko lang iyon and  logged out my facebook account.

Bakit ko siya papansinin? Neknek niya! I will not give him the satisfaction. Manyakis niya!

I put my phone on my bedside table and decided to got out on my room to cook our dinner. Spicy adobo lang ang lulutuin ko dahil parang naghahanap ang tiyan ko ng maanghang. Shydeen loves spicy foods, me as well kaya hindi pahirapan ang pagdi-decide ko kung ano man ang lulutuin.

Falling to the Campus Playboy (Leehinton Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon