CHAPTER 5

1.3K 44 3
                                    

Chapter 5: Who court who?



ILANG ulit ko na bang sinabi na ang kulit ni Liam at nakaiinis? He was ruining my day and messing with me everytime. Kailan niya ba ako tatantanan at para naman matahimik itong buhay ko, ano?

Kapag tatagal pa ito sa buhay ko parang mababaliw na yata ako sa kadaldalan niya. Hindi ako sanay na may taong dadaldal sa akin magdamag bukod kay Shydeen.

Napabuka ako ng hangin dahil sa isiping iyon. Napatingin ako kay Liam pero nakatingin na pala iyo sa akin. He smiled on me but I rolled my eyes.

Napabaling na lang ulit ako sa unahan nang umalis na ang nakapila roon. "Set C po, manang," sabi ko sa tindera.

"Ako rin, manang, kagaya ng sa kaniya," sulpot bigla ni Liam sa likuran ko. Inis ko siyang tiningnan pero hindi ako nagsalita. "What?" inosente nitong turan habang ikinibit ang balikat.

"Ma'am, ito na po," anang tindera at binigay ang order sa akin. Mabilis ko naman itong inabot. "Ito na rin po ang inyo, Sir Liam," kinikilig na turan ng tindera sa kaniya.

Nangunot ang noo ko sa nakita. As far as I know, hindi nagpakilala si Liam sa tinderang ito. Bakit niya kilala ang makulit na lalaking ito?

I stared at him. Who is he? My curiousity began to crippled my system and wanted to know more about him. Why did I forgot that important one?! Shitty head.

Habang nakatitig sa kaniya ay naalala ko bigla ang mga bulong-bulungan ng mga kaklase ko nang makita kong si Liam ang katabi ko, pati na rin 'yong paglalakad namin sa corridor at papunta rito sa cafeteria.

All of them was staring on the both of us and talking something. Some students are looking on him with admiration as if he was the most talented celebrity here in Leehinton University.

Naputol lang ang pag-iisip ko ng humarap ito sa akin at kumindat na naman. "Dito na lang tayo umupo," ngiting aniya.

Napabaling ang tingin ko sa table na iyon. Malaki ito at parang sobra-sobra naman yata na kaming dalawa lang rito.

Napansin ko ring iba ang table na ito kaysa sa ibang mga tables. Pati na rin ang mga upuan ay iba ang disenyo kumpara sa iba. It seems like it is more expensive than the others.

I scanned the whole cafeteria para sana maghanap na lang ng mauupuan pero wala akong makita. All of it was occupied and no one was left vacant. Nakatayo na nga ang ibang mga estudyante rito.

Bigla akong napaupo nang maramdaman ang paghila ni Liam sa kamay ko. Muntik ko pang matapon ang tray na in-order ko dahil sa kagagawan ng lalaking ito.

"Just sit here, okay?" Sinamaan ko siya ng tingin at napilitang maupo rito. Umupo na rin si Liam sa  puwesto nito kaya magkaharap na kaming dalawa.

I started eating without glancing on Liam. He was talking the whole time but I ignored him. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng matigil iyon dahil may lumapit sa puwesto namin

"Hey! Dude, bago mo?" anang boses kaya napatingala ako para alamin kung sino ang nagmamay-ari no'n.

Halos hindi ko malunok ang pagkain ko ng makilala ang lalaking nagsalita. Muntik ko pang mabuga ang spaghetti dahil sa gulat. Mabuti na lang talaga at napigilan ko.

It was him!

I bit my lower lip and consciously put the strands of my hair on the back of my ear as if I have a long hair.

Narinig ko ang pagtawa ni Liam. "Iba 'to, dude. I'm courting here."

Ganoon kabilis ang pagkawala ng atensyon ko sa lalaking kararating at napabaling kay Liam. Sinamaan ko siya ng tingin pero muling ibinalik ang tingin sa lalaking kararating lang, hindi ako pinansin. Mas lalo pa nga siyang natuwa kapag sinasamaan ko ng tingin.

Falling to the Campus Playboy (Leehinton Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon