Chapter 46. Wounded

4.5K 39 8
                                    

I don't know if you'll be needing tissue on this chapter. I just hope so. Cos if you did, it only means that, someway, somehow I am improving in my writing abilities. Mehehehehe.

Happy Valentine's Day everyone!

____________________________________________________

KATH's POV

 

Lumabas na ako ng resto. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko, gusto ko maglakad mag-isa. Gulong gulo na ang isip ko sa mga nangyayari.

Ayos na ako eh. Okay na ako. Bakit bumalik pa siya? At may dala pa talagang masamang balita huh?

Naging masama ba akong tao? Bakit pinaparusahan ako ng ganito?

Hindi pa ba sapat na makita ng mga tao na tatlong taon akong namuhay sa mundong 'to na parang patay?!

Bakit kung kelan natuto na akong magmahal ulit, saka siya babalik? Mahal ko pa ba siya?

Sa totoo lang kaya kong sagutin yan eh. HINDI na.

Pero nandito pa rin sa dibdib ko ang galit at sakit sa lahat ng ginawa niya sa akin!

Nanggigitil ang mga mga ngipin ko, ang mga kamay ko, parang may susuntukin, pero patuloy lang ako sa paglalakad.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala, pero ang katawan ko, hinang hina na.

"Galing mo rin eh no? Umalis ka na nga, bumalik ka pa! Sana na-tegi ka nalang!" para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko.

What I'm acting right now is a real definition of BALIW. Literal. Para na akong nawawala sa sarili. Nagdidilim ang paningin ko.

"Sakit na Christian! Hindi ka pa ba tapos pahirapan ako? Hanggang kailan mo pa ako sasaktan? May kasalanan ba ako sa'yo?" Kasabay nun ay ang pagbreak down ko at ang malakas na buhos ng ulan.


Hagulgol na kung hagulgol. Wala namang nakakakita sa akin eh. Nobody cares! Not even him. Masaya na siya. Pero ako? Eto miserable pa rin.

I thought I was strong enough, pero hindi pa rin eh. I am the weakest among the weak!

"Bakit hindi ka nalang naging honest sa akin? Matatanggap ko naman kung hindi ako ang mahal mo eh." And with that, I cried a river.

Sobrang lakas ng ulan. Parang nakikisama sa nararamdaman ko. I don't even know kung nasaan na ako. All I know is I'm walking, following my own footsteps.

Timang na ako. Tatawa, iiyak, magagalit. Epekto 'to ng galit. At ng sakit.

Maya maya pa, narinig ko ang phone ko na nag-ring. Ayos 'to. Gumagana pa, basang basa na nga. Sinagot ko 'to.

"Hello?" I know this voice. It's Julia.

"Oh Bessy!" sagot ko na pilit inaayos ang boses.

"Nasaan ka na ba ha? Ang lakas kaya ng ulan? Tell me where Bessy, susunduin kita!"

"I'm fine Bessy, I'm perfectly fine."

"Tantanan mo nga ako Kathryn. Nasaan ka??"

"Nandito ako sa lugar na ako lang. Hayaan mo na ako please?"

Fell In Love With Your SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon