This chapter's dedicated to you ThenameisNam! =) Thank you for supporting my story!
_______________________________________________________________
DJ's POV
This is not a brand new day for me. Back to work na naman ang peg ko ngayon. Buong weekend lang akong nasa bahay at nagpahinga. Kung hindi lang ako inaasahan ni Dad sa trabahong ginagawa ko, hindi na talaga ako papasok. Nakakatamad eh.
Gusto kong gumala. Gusto kong tumugtog. Gusto kong bumalik sa mga dati kong ginagawa. Mula kasi nung ako na ang nag-handle na company namin dito sa Pilipinas, hindi ko na nagagawa yung mga gusto ko. Minsan oo, pero madalas talaga hindi na.
Tinatamad talaga ako. >.< Paano ba naman kasi, gusto ko sana gumala nung weekend, kaso ito namang si Diego, hindi ko ma-contact! Alangan namang umalis ako mag-isa diba? Saan naman kaya pumunta yun? Naiinis na rin ako sa mga babaeng laging tumatawag at nagtetext sa akin. Nakipag-break na nga ako, humahabol pa rin. Talaga bang hindi sila makaget-over sa mga charms ko? Minsan pa, pinupuntahan pa ako sa office, dun ako susugurin, dun ako iiyakan. Hayyy. Naman oh! Ang hirap maging gwapo!
Nakabihis na ako ngayon, at inaayos ang mga gamit ko para sa office. Mga paper works, proposals, plans.. hayy! Ayoko nito eh, pero sige na nga.. Biglang tumunog ang cellphone ko, nakita ko may nagtext. Sino naman kaya?
__________
1 message received.
From: Dad
DJ, paasikaso yung mga files na galing kay Mr. Ramos. Importante yun. I need it the day after tomorrow. Thanks, son!
__________
ANO? Eh kahapon lang tinext din niya ako na ayusin ko yung mga proposals na ipapadala sa iba pang target clients, tapos ngayon meron na naman?! Mukha ba akong robot? Si Eboy ba ako?! Damn this life talaga! Tapos wala pa akong assistant hanggang ngayon! Tsss! Ang agang BV naman nito oh! Nakooo, please lang Julia, sana may mahanap ka na! Makakain na nga. Pesteng yawa naman!
"Oh DJ nak, kain ka na oh." pag-aalok ni Yaya Isabel. Nginitian ko siya. Ayoko namang idamay si Yaya sa kabadtripan ko. Ang bait bait kaya neto sa amin, lalo na sa akin!
"Good morning baby bruuu!" si Ate. Pagdating ko sa dining area, nandun na si Ate, at JC kumakain.
"Bro, c'mon lezzz eat na!" si JC, sabay subo ng kanin. Mukang sarap na sarap sila aa? Sige na nga, makakain na!
"Ge." yun na lang ang nasagot ko at umupo na rin para kumain. Kain. Kain. Kain. Ang sarap lang ng luto ni Yaya! Ikaw na Yaya! Ikaw na talaga!
Pagtapos kong kumain, madali na akong nagpaalam sa kanila para pumasok sa trabaho.
-----
Pagdating ko sa opisina, ayun.. same old routine. May mga babati sa'yo ng GOOD MORNING SIR, may nagpapa-cute at hinding-hindi mawawala ang mga babaeng naka-fling ko na walang ginawa kundi lumuhod sa harap ko. Tsss.
"Good morning po Sir DJ, uhm, may babae po na naghihintay sa may room niyo." sabi ni Carla, na nakasalubong ko sa hallway at maraming dalang folders.
"Good morning din. Ah, ganun ba, sino naman daw?" seryoso kong tanong.
"Beatrice po Sir. Ah eh, medyo kanina pa po siyang nandyan. Pinipilit nga po naming umalis na dahil bawal po ang bisita dito unless may sinabi ho kayo." magalang niyang sagot.
BINABASA MO ANG
Fell In Love With Your Smile
FanfictionA broken heart deserves a second chance. A new beginning and a lasting love..