Diego's POV
"Oh, ano nga palang pag-uusapan natin bro?" tanong sa akin ni DJ pagkaalis ni Kath sa office.
"Bro, what's happening to you?" tanong ko sa kanya na agad namang nagpabago ng mood niya.
"Tsss. Pati ba naman ikaw? Pwede ba--"
"Anong pati ba naman ako?" pagputol ko sa kanya. "DJ, of course I am your bestfriend, at maraming naaapektuhan."
"Like who?"
"Like Kath.." napatingin siya sa akin ng sabihin ko yun.
"Oh? What's with her? Wala naman siyang alam." sabi niya sabay ayos ng upo. Deadma kuno.
"Yun na nga bro eh. Wala siyang alam. And for sure, nagugulat siya sa attitude and behavior mo."
"Bakit? Kailangan ba mag-adjust ako para sa kanya?" pagsusungit pa nito. Hayy DJ! Why don't you get it??
"Tsss, bro. Nabalitaan ko, iba na pagtrato mo sa kanya. She already knew about Mich. Siya na nga 'tong gusto kang damayan ayaw mo pa??!" halos mapagtaasan ko na siya ng boses pero mukhang hindi pa rin niya makuha.
"So ikaw pala ang nagsabi sa kanya that Michelle's company was the one chosen by Dad as the investor?"
"You're wrong DJ."
"Then who?"
"You really wanna know? Okay.."
- FLASHBACK -
Lunch time nun and I went to the washroom at pabalik na rin ako sa office room ko ng may marinig akong mga babaeng parang nag-aaway sa restroom ng mga girls.
Ayoko sanang pansinin kaso mukhang nagkakainitian na sa loob, I was just bothered kasi baka may makarinig pang iba at maging eskandalo pa. So what I did is, I leaned on the door at dinikit ang tenga ko, baka sakaling marinig ko ang usapan nila.
"Nabalitaan niyo ba girls? Yung investor daw na tinanggap ni Mr. Rommel eh yung Michelle Santos.." sabi nung isa.
"Oh ano naman ngayon?"
"Hindi niyo ba kilala yun? Yun yung first love ni Sir Daniel! At yun din ang first heartbreak! Iniwan nga yun nung araw na nagpropose daw si Sir DJ sa kanya!" Wow. So si DJ pala topic nitong mga to.
"Really?! Eh bakit naman daw?"
"Aba malay ko.. Basta yun ang alam ko... Kaya ayun, ang higpit na naman sa kabilang building, naging masungit na naman daw kasi."
Kung ano ano pa ang sinasabi nila ng may biglang nagsalita na pamilyar ang boses.
"Excuse me mga Miss, mali naman yata na pag-usapan niyo ang boss natin. I should say, pag-chismisan." teka... sino ba 'to?
"Sino ka ba ha? Saka bakit ka ba nakikisali dito? We don't even know you. Saang lupalop ka ba galing?"
"FYI, I'm the assistant of the head officer of this department. In short, assistant ako ng subject niyo ngayon." Si KATH!
BINABASA MO ANG
Fell In Love With Your Smile
FanfictionA broken heart deserves a second chance. A new beginning and a lasting love..