KATH's POV
Kasalukuyan akong nasa kwarto ni Ate Roanna, pahihiramin na lang daw muna niya ako ng damit tutal unexpected ang pag-stay ko dito. Tinawagan ko na rin si Julia at sinabing hindi ako makakauwi. At alam niyo ba? Pabor na pabor pa ang loka dahil baka daw mas lalo kaming magka-inlove-an ni DJ sa isa't isa. -__________-
Pero sana nga diba?
HAHAHAHAHA! Ang landi ko langsss..
Kakatapos ko lang din maligo at eto, tambay muna sa kwarto ni Ate... =)
"Saktong sakto lang pala damit ko sa'yo Kath! Buti na lang! You look cute like me! Hahaha!" Ate Roanna. I'm wearing a summer dress-sleeveless, knee-length. Ay mali WE are wearing a summer dress. Para daw terno kami. Hahaha! Ang init din kasi e. Mukha tuloy kaming pupunta sa beach. Hahaha! Pero okay lang, pwede naman siyang pambahay lang eh.
"Hehe. Thank you Ate ha? Hmm." actually nahihiya pa ako eh.
Lumapit siya sa akin at ngumiti.. "Kath, don't be shy. Wag ka nang mahiya sa amin, or sa'kin. Personally, masaya ako na nandito ka. I never had a sister for a long time you know that. Yes, there's Magui and Carmela pero duhh, mga bata pa sila. I never had a sister whom I can talk girly stuffs with. Nako, alangan namang kausapin ko si DJ o kaya si JC diba? Yung mga yun pa!"
Natawa ako sa kanya, she's really longing for a sister. Ikaw ba naman magkaron ng dalawang kapatid na lalaki hindi ka mabuang? Hahaha!
"Sige Ate, I'll try not to be shy na. Naninibago lang ako at saka, ngayon lang naman tayo nagkita. Pero at the same time, happy rin ako kasi I never thought na ganito ako ka-welcome dito."
"Masaya ka kasi kasama eh. " Ihhh. Kilig naman ako. Hahaha!
"Salamat Ate Roanna. Masaya rin kayo kasama! Swear. Hahaha!"
Nagtawanan lang kami at nagkkwentuhan ng mga kung ano anong keme about girls. Tuwang tuwa siya magshare sa akin, pati nga mga gamit at kung ano anong arte ng mga babae napagkwentuhan na rin namin eh. Hahaha! Hanggang sa...
"Kath... Did you ever fall in love?" tanong ni Ate. Nakaupo kami pareho sa kama.
I took a thick breath before I answer her. "Oo naman Ate.." sagot ko.
"Did it work?" <//3 Okay, expected ko naman na.
"No. Hahaha!"
"Sorry to hear that Kath. Hmm. Okay lang ba kung itanong ko sa'yo what happened?" she asked.
"Hahaha! Ate talaga. Sa totoo lang, mahirap para sa akin balikan yun. Masakit lang kasing alalahanin. It didn't work out cause I'm the only one who worked for it. " sagot ko.
"Okay, hindi ko na ipipilit. Hayy nako... Mga lalaki talaga! Ang hirap kasi sa'ting mga babae, sagad sagad kung magmahal eh."
"Ang lalim ng hugot Ate? Hahaha!" tanong ko kaya lalo kaming nagtawanan.
"Haha! Medyo lang. Charot! Hahaha! Pero seriously, totoo naman diba?" she asked, I agreed. "Nagka-boyfriend kasi ako noon, I thought he'd take me seriously, akong si tanga, nakampante. Ang ending, edi syempre emo-emohan ako. Hahaha! I'll never forget that day nung iyak ako ng iyak. Pag-uwi ko dito, nakita ako ni DJ.. highschool pa siya nun." kwento niya.
BINABASA MO ANG
Fell In Love With Your Smile
FanfictionA broken heart deserves a second chance. A new beginning and a lasting love..