DJ's POV
Ang daming bisita nila Kath grabeeeee!!!
Pero nakakatuwa. Ngayon ko lang na-experience 'to eh.
Kahit sino pwedeng kumain! Hahaha! Lahat ng inihaw ko, mabenta sa bisita ah? Syempre, ako pa ba? Ang gwapo nung nag-ihaw e. Hahaha!
Nandito rin yung mga kaibigan nila Kath at Julia na nagkakagulo. Ewan. Hahaha! Masyado nilang na-miss ang isa't isa.
Na-hot seat pa nga si Julia kanina e, gawa nung ayun nga, boyfriend na niya si Diego. Hahahaha!
"Oh Kath, tapos na si Julia, ikaw naman. Hahahaha!" sinasabi ko na nga ba e.
"Bakit ako?" si Kath habang naglalagay pa ng pagkain sa may table.
"Baka gusto mong ipakilala yung cutie pie over there! Ayun oh!" sabay turo sa akin.
"Ay nako.. Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na boss ko nga yan. Tanong niyo pa kay Julia." sabi naman ni Kath na nagkakamot pa sa ulo. Hahaha
"Asssuuuuuuuuuuus! May boss bang ganun? Amin amin din."
"Ay leche. Hahahaha! Ang kukulit niyo. Sinabi na ngang wala e."
"WEH??!"
Mukha ni Kath > O________________________O
Pagtulungan daw ba. Hahahaha!
"Pero seriously Kath, mas okay siya. Mukhang nagpapaiyak ng babae, pero mukha ring stick to one." sabi nung isa.
"Yeah, saka, hindi naman siguro siya sasama sa'yo dito ng wala lang no? Di bale, sabihan niyo na lang kami, kapag kayo na. Hahaha!"
Nagkatinginan lang kami ni Kath at ngumiti lang siya na para bang sinasabing... pasensya ka na.
"Kulit niyo talaga. Oh hala, kain pa.." tapos bumalik siya sa may kusina, kung nasaan ako.
"Pahinga ka muna." sabi ko sa kanya sabay punas ng pawis sa noo niya.
"Okay lang ako, kaya ko pa naman. Teka, ikaw? Kumain ka na ba?" tapos akmang kukuha na siya ng pagkain nang magsalita ako.
"Tataba na nga ako dito e." natawa naman siya. "Ikaw ang kumain. Kanina ka pa palakad lakad e." sabi ko pa.
"Gutom na nga rin ako e. Sige. Hahaha!" tapos ayun, ako naman ang nag-asikaso sa kanya.
"Kumain ka ng marami ha? Tapos pagkatapos mo, magpahinga ka nalang, tutal naman hindi na sila masyadong marami, saka marami namang tumutulong dito."
"Yes sir!" sagot niya.
KATH's POV
Kailan ko kaya siya sasagutin?
Hahahaha! Talagang yun yung iniisip ko e no? Eh paano kasi, ramdam na ramdam ko talaga siya. Ang sweet sweet niya sa'kin, tapos makaasta siya, parang boyfriend ko na, diba?
Risk kasi 'to e. Marami pa siyang hindi alam. Kung magiging kami, tapos marami pa siyang hindi alam tungkol sa'kin, para namang ang bad ko diba? Karapatan niya kasi yun pag nagkataon.
BINABASA MO ANG
Fell In Love With Your Smile
FanfictionA broken heart deserves a second chance. A new beginning and a lasting love..