Hayyyy. You don't know how busy I am in the past few weeks. Literal. As in kulang sa tulog at pahinga. I apologize for not updating for a long time. Gustuhin ko man, wala talagang time. With, I am so sorry. T.T
At dahil may time na atashi, eto naaaaaaaaaaaa. Hope you enjoy! :)
_____________________________________________
DJ's POV
Halos hindi na rin ako nakatulog buong magdamag dahil binantayan ko si Kath. Awang awa ako sa kanya. Gusto ko na nga sapakin yang Christian na yan na nanakit at nangiwan sa kanya eh. Nasasaktan rin ako para kay Kath, pero sigurado akong wala pa yun sa tunay niyang nararamdaman.
Pinagmasdan ko lang ang mukha niya. Pilit kong inaalala ang mga ngiti at tawa niya. Walang halong biro, pero napangiti ako sa habang naaalala ko ang mga 'yon. Hindi ko rin maiwasang haplusin ang pisngi niya. Kahit nga sa labi niya ay napapatitig ako. Gusto ko nga siyang halikan e. Pero hindi ko gagawin yun dahil nirerespeto ko siya.
Patuloy lang ako sa paghaplos sa kanya hanggang sa makatulog siya ng mahimbing.
--
Maaga ako nagising. Himala yon! Puyat na nga ako, pero maaga pa rin ako nagising? Himala talaga. Tatanggalin ko na sana ang kumot ng maalala ko, may katabi nga pala ako. Nakayakap ba naman sa akin eeh. Pinagmasdan ko ulit siya.
Ang ganda niya talaga. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito no? Yung gigising ka na kasama mo yung taong nagpapasaya sa'yo. Yung taong mahal mo...
Yun nga lang, iba kasi ang sitwasyon ngayon. Mas masaya sana kung paggising niya, eh ngiti niya ang sasalubong sa akin, pero hindi eh.
Pilit akong tumayo, dapat alagaan ko si Kath. Dapat alagaan ko ang prinsesa ko.
Nag-ayos ayos ako ng bahay para hindi naman nakakahiya sa kanya. Wahahaha! Tapos naghanda na ako ng kakainin namin para paggising niya, kakain na lang siya.
Luto.
Luto.
Luto.
Luto.
"Sa iyong ngiti, ako'y nahuhuma--"
Natigil ako sa pagkanta dahil naramdaman kong may yumakap sa likod ko. Aaminin ko, medyo nagulat ako. Kasi ba namaaan! Hahaha
"Akala ko iniwan mo na ako." Si Kath, habang sobrang higpit ng yakap sa akin. Aaminin ko, kinilig ako dun! :"">
"Oh, Kath, ang aga mo namang nagising... Magpahinga ka pa, kagabi ang init mo kaya." sabi ko pa habang patuloy na nagluluto.
"Ayoko, dito lang ako." parang bata niyang pagkakasagot.
"Hayyy, ikaw talagaaa!" sabay akbay sa kanya. "Di bale, tutal gising ka na naman. Kakain tayo ng madaming madami!" at pisil sa pisngi niya. Inahon ko na yung niluluto ko at nilagay sa pinggan. Dumiretso na ako sa lamesa habang si Kath, sumusunod lang sa akin na parang bata.
BINABASA MO ANG
Fell In Love With Your Smile
FanfictionA broken heart deserves a second chance. A new beginning and a lasting love..