Chapter 10. Like A Boss

5.4K 47 3
                                    

This one is for you JayAnnEstudillo. =) Thank you! I hope you continue reading and supporting my story! =)

At para kay ThenameisNam.. dahil malakas ka sa'kin, eto na. HAHAHA!

Thank you po sa lahat ng nagbabasa, kahit hindi pa ganun kadami. Thank you! =)

______________________________________________________________

KATH's POV

Good morning sa inyoooo! =)) Hihihi.

6AM in my clock. Maaga talaga akong gumising. Syempre, bawal ma-late sa trabaho! Ginising ko na rin si Julia para makapagligo na siya habang ako naman eh nagluluto ng almusal namin. Sabay na kasi kami lagi ni Julia sa pagpasok at masaya kami pareho dahil hindi namin inexpect na magiging magka-trabaho pa kami. Ano na lang kaya sasabihin ng iba pa naming mga kaibigan pag nalaman nilang hindi talaga kami mapaghiwalay ng bestfriend ko. Hahaha!

Well, from now on, dapat masanay na ako sa bagong takbo ng buhay ko. Trabaho ang number 1 priority ko ngayon lalo na't kailangang kailangan ako ng pamilya ko. Siguro ito na rin yung time na, itigil ko na ang pagmumukmok ko na dinadaan ko sa pagkanta sa resto. What I mean is, mula kasi nung nangyari yung.. basta yun, nawalan ako ng gana magtrabaho. Gusto ko kumikita ako, pero hindi paguran sa trabaho, kaya ayun, napili ko ang pagkanta kanta. Yun lang ang paraan ko para mailabas ang mga emosyon ko dahil napapagod na ako makarinig ng mga sinsabi ng ibang tao.

Minahal ko na ang resto na yun dahil malaki ang naitulong nun sa akin, kaya kahit may trabaho na akong maayos ngayon, hindi pa rin ako umalis dun. Masyado na akong napamahal dun at nakatagpo pa ako ng mga totoong tao na talagang matatawag kong kaibigan.

Kaya eto, pagsasabayin ko ang dalawang trabaho.. para magsimula ng panibagong buhay na sana eh maging masaya ako, at para na rin sa pamilya ko.

Matapos kong maghanda ng pagkain, naligo na muna ako at nag-ayos. Gabi pa lang, pumili na rin ako ng susuotin ko para hindi na ako mahirapan ngayon. Matapos mag-ayos ay bumaba na rin ako at kakain na kami ni Julia.

"Wow, Bessy, you're simple yet so beautiful!" feeling ko, ako si Cinderella na bumababa sa hagdan.

"Haha! Thanks Bessy, dapat matino ang itsura. Baka masisante agad." pabiro kong sagot. Nagtawanan kami at naupo na para kumain.

"Hmm, Bessy, matanong nga kita." Tadaaaa. Nako, magsisimula na siyang mang intriga.

"Ano yon?" kalmado kong sagot.

"Hmm, may friend ba tayong kamukha ni Sir DJ?" napaubo ako sa tanong niya. "Oh, Bessy, okay ka lang?" sabay himas sa likod ko.

"Ah, ayos lang ako. Ano nga ulit yung tanong mo?" sabi ko para makapag-isip ng pwedeng isagot sa kanya.

"Sabi ko kung may friend ba tayong kamukha ni Sir DJ.. Kasi yung reaksyon mo yesterday, ang weird."

"Ah, meron yata. Baka nga siguro kamukha niya lang." sabi ko sabay subo sa kinakain ko.

"Eh? Bessy, halos lahat yata ng friends mo eh friends ko din. Kahit nung college, even we do not belong to a same course, pero parang wala namang kamukha si Sir." pagtataka niya. Waaaa. Wala ka ng lusot Kath, sabihin mo na kasi.

"Ah eh, siguro may nakita lang akong kamukha niya. Pwede naman yun diba? Hehe" at lalo lang siyang naguluhan sa akin.

Fell In Love With Your SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon