KATH's POV
"Ansabeh ng in love? Hahaha!" -___________-
Si Ate Roanna, inaasar ako. Mantakin mo ba namang sumunod sa akin hanggang sa paghuhugas ko ng mga pinagkainan namin.
"Hay nako Ate, tigilan mo na nga ako. Hahaha! Wala ka talaga magawa no?"
"Asusss! Hahaha! Pero girl ha, pansin ko panay ang sulyapan niyo kanina! Aminin! Hahahaha!" pangangantyaw na naman niya, dahilan para mapangiti ako. EHHHH. Malay ko bang tumitingin din pala siya sa'kin! :">
"Kilig pancreas? Hahaha!" Ate Roanna.
"Ate naman eeeh! Oo na, kinikilig na. Tama na please? Namumula na nga ako dito oh, baka magtaka na yun kapag kinausap ako." sabi ko naman.
"Hahaha! Ayiiiieeeeeeeeeehh! Oo na nga! Sige na. Oh siya, dun muna ako sa sala. Andun sila eh. At saka, sumunod ka ha!! Hihihih! Para kiligin ulit ako." sabi niya bago umalis.
"Ay nako! Hahaha! Oo na."
Napatingin na lang ako sa may sala. Nandun siya, nilalaro sina Magui at Carmela. Ang cute niyang tingnan. Hahaha! Ngayon ko lang siya nakitang may kasamang bata. I never thought na ganito lang siya kasimple kapag nasa bahay.
Nang matapos ako, agad din naman akong sumunod doon. Si Ate Roanna nga eh, walang mapaglagyan ang ngiti. Hindi na daw ako aasarin pero ang mga tingin naman niya. Hahaha!
"Ate Kaaaaaath!!" Magui/Carmela sabay takbo palapit sa akin.
"Uyyy! Hahaha!"
"Ate Kath, where will you sleep?" tanong ni Carmela dahilan para lahat sila mapatingin sa akin. Ehh. Awkward. Napatingin ako kay DJ, pero hindi ko mabasa yung nasa isip niya. Para bang nakangiti siya sa'kin, na hindi, na ewan.
"Ah eh.." ano nga bang isasagot ko? Sa tabi ng kuya nila? JOKE! Hahahaha!
"Ate Kath, sa amin ka na lang ni Carmela. Pleaaaase?" Magui. Awwww. Ang sweet naman! Hihihih.
"Please Ate? Please!" Lelay. Ano ba 'to. Hahaha! Nakakaloka 'tong dalawang 'to. Hindi magkanda-umayaw.
Umupo ako sa sofa na katapat ni DJ para mas makaharap ko yung dalawang bata.
"Oh sige na nga. Doon ako tutulog sa room niyo. Ano, wish granted? Haha!" pagkasabi ko non ay nagtalunan ang dalawa at tuwang tuwa.
"Yehey! Yehey! Bleh Kuya, I told you she's going to sleep with us, and not with you!" O.O Huh? Ano 'tong sinasabi ni Magui?
"Huuy! Kahit kailan ka talagang kumag ka ang daldal mo no?" pananaway ni DJ sa kapatid. Hindi ko maiwasang matawa. Ang childish din nitong si DJ minsan eh. Haha! Patulan daw ba yung kapatid! Hanggang sa nagkatinginan na lang kaming dalawa.
Nakangiti ako sa kanya at umiling-iling...
"Ano ba yan, yung kuya, pumapatol pa sa baby sister niya." pang-aasar ko.
"Hindi ah." DJ.
"Woo. Hindi daw." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Fell In Love With Your Smile
FanfictionA broken heart deserves a second chance. A new beginning and a lasting love..