Chapter 18. Relax

5.3K 55 3
                                    

DJ's POV

THURSDAY.

Alam niyo na siguro kung anong meron sa araw na 'to. -___-

Ngayon ang meeting with Mr. Dela Cruz. Hindi ito biro dahil bigatin 'to, and what makes me more pressured is my Dad. He gave me his trust para dito. Ayokong magkamali this time and I have to prove him that I'm worthy, that I can be someone he could be proud of.

Maaga akong pumasok. Earlier than the usual. At pagdating ko sa opisina, WTF!

Ako pa rin ang huling dumating. -___- Maaga pa naman ang 6AM diba? Eh bakit halos lahat, nandito na?

"Girl, naayos niyo na ba yung room na gagamitin para mamaya?" hinanap ko ang pinanggalingan ng boses. I know that voice.

Naglakad pa ako ng konti at nagulat na naman ako sa nakita ko.

Yung mga empleyado sa floor na 'to, nandito na lahat, and they're all busy. Then I saw Kath, leading them. Napatitig na naman ako sa kanya. Sa sobrang busy niya, hindi na niya napansin na dumating ako.

"Good morning Sir DJ. Andyan ka na pala!" bigla na lang bati sa'kin ng isa sa kanila.

Naglingunan na silang lahat at binati na rin ako. Nginitian ko naman sila at pumasok na sa room. To my surprise again, meron na agad 1 cup of coffee and now, a chocolate cupcake on my desk.

Tuwing dadating ako dito, umuusok pa ang kape. Meaning, bagong timpla pa lang, at kakalagay lang sa desk ko. And now, ganito kaaga meron na. So there's a possibility na nandito na rin ngayon yung taong nagbigay.

Umupo na ako, at may note ulit.

_____

Good luck! =)

_____

Sino ba 'to? Stalker ba 'to o ano? Hayyys! Pero salamat, kung sino ka man.

--

9am na. Ang bilis ng oras. By 10am, dadating na yung investors. Bakit ganito? Kanina confident ako, pero ngayon kinakabahan na ako. Sa tuwing makikita kong gumagalaw ang oras, lalong hindi na ako mapakali.

Busy lahat ng tao ngayon. Ni si Kath, hindi ko pa nakakausap. Labas-pasok siya sa room, kuha ng folders dito, papirma doon, check dito, check doon. Pero ang cool pa rin niya. Hindi man lang ba siya kinakabahan?

For the nth time, I checked all the things I needed for the meeting. Pati ang speech ko.. everything. Lumabas na rin ako to know how's everything..

KATH's POV

Naloloka na ako sa dami ng dapat ayusin. HAHAHA! Lahat kami ngayon natotorete na dahil bigtime nga daw yung investor, kaya dapat makuha namin ang mahiwaga nilang oo.

Kahit si D--, este Sir DJ, hindi na rin mapalagay. Tuwing nanakawan ko siya ng tingin, nakikita kong hindi na rin maipinta yung mukha niya. For sure, kinakabahan na 'to. HAHAHA!

Galing akong CR para ayusin sarili ko. Ano ba naman kasi yung sobrang aga naming pumasok tapos sa dami ng ginagawa, ang aga aga, haggard na agad. Oo, ako ang naki-usap sa mga kasamahan ko na pumasok ng maaga. :)

Pagbalik ko..

"Julia, have you check all the files?"

"Yes, Sir DJ.."

Fell In Love With Your SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon