KATH's POV
Weeks had past matapos yung aminan namin ni DJ. Actually, wala naman talagang inamin eh. Nasabi lang siguro namin na mahalaga kami sa isa't isa. Ayoko naman talaga mag-assume eh. Malay ko bang baka as a friend lang kaya mahalaga ako sa kanya, pero... iba kasi sa feeling eh. Parang may...
LOVE?
Charot! Hahahaha! Oo na, may feelings naman ako sa kanya eh, hindi ko lang mawari kung totoo ba talaga 'to kasi hanggang ngayon natatakot pa rin ako. Ayoko rin lagyan ng malisya tong relasyon na meron kami ngayon. Ayokong umamin, dahil baka nadadala lang ako sa emosyon ko, at wala rin naman akong assurance na ganon din ang nararamdaman niya. Baka nga kasi, mahalaga lang ako sa kanya.
Madalas na kaming sabay umuwi, sinasamahan niya ako sa resto kapag kaya pa ng oras niya at hindi pa siya pagod, madalas hinahatid niya rin ako pauwi. Kapag hindi naman, nako, sandamakmak ng text at tawag ang matatanggap ko!
Syempre, babae ako, at hindi ko rin maiwasang hindi kiligin. Ehhhh, kasi naman ehhh. :"""> Yung feeling na, parang kayo pero hindi naman talaga. The fact na assistant lang naman niya ako, pero ganon ang treatment niya sa'kin. Hayyyy! Heaven!
At hindi pa dyan nagtatapos, tuwing gabi, walang palya sa pagtawag! Todo kantyaw na nga si Julia sa akin. At minsan napapaisip na rin ako, ano nga kaya nararamdaman niya ngayon? Hihihi. Parang nung isang gabi...
- Flashback -
Pauwi na ako, hindi na ako nakadaan sa resto kasi madami talagang ginagawa sa office.
"Hmm, Sir, uwi na ako."
"Tara, hatid na kita." bigla niyang sinabi at agad sinara laptop niya kahit may ginagawa pa siya.
"Ay nako wag na. Kaya ko naman ehh. Saka, hindi na ako dadaan sa resto, late na rin kasi eh." sagot ko. Medyo kinilig pa ako kasi, alam niyo yun? Hahaha! Kahit may ginagawa siya, willing niyang itigil yun para sa akin. :""""""""""""">
"Saka kahit naman gustuhin mo eh di na rin kita papayagan."
O.O
^_____^
"H-huh? Ba-bakit na-naman?" tanong ko.
"Gabi na masyado Kath, pa'no kung may loko loko dun? Tsss." DJ.
"Kaya nga po hindi na diba? Hehehe. Sige na, una na ako. Wag mo na ako ihatid. Nakakahiya na Sir!" sabi ko.
"Tsk, Kath naman eh, anong oras na oh? Sir pa rin? Dali na, hatid na kita, babalik na lang ako dito." sabi niya. Sabaw hawak sa wrist ko.
"Eh?" tinanggal ko ang pagkakahawak niya at hinawakan ko ang bewang niya. Nakatingala ako sa kanya kasi ang tangkad niya. (Kayo na lang bahala mag-imagine. Hahaha!)
"DJ, okay lang. Promise uuwi ako ng buo at safe." and I gave him my sweetest smile. Kinikilig na rin kasi ako eh.
Nakatingin lang siya sa'kin.
"DJ.. Huy.."
Bigla siyang napaiwas ng tingin at nakita ko na ngumiti siya. Eeeeeh! Ano yun? Nagpipigil ng kilig? Waaaaaaaaaaaaaaaa. :"""""""""""""""""""""""""">
BINABASA MO ANG
Fell In Love With Your Smile
Hayran KurguA broken heart deserves a second chance. A new beginning and a lasting love..