chapter 17

27K 202 13
                                    

chapter 17

Anne's POV

"Hoy friend. Wag naman ganyan." ngisi ni Elle habang nilalaro ang kanyang ice water.

"Ano?" taas kilay kong tanong.

"Bigla bigla ka nalang tumutulala."

"Daldal mo kasi." reklamo ko.

"Loka. Halika't tulungan mo nalang akong maghanap ng dress. Yung mura lang ah. Kapos ako ngayon eh," at tumawa ito.

Nandito nga pala kami sa changi.

Ano?

Kala nyo noh..hindi porke't mapera ang parents namin mapera rin kami..sariling sikap lang yan..sabi nga ni Trevor.

"Eto nalang..yellow.. bagay sa kulay mo," sabay pakita ko dito ng yellow dress, yung mejo puffy sa baba.

"Magmu-mukha naman akong ballerina jan 'te. Eto nalang kayang red?" sabay pakita nito ng spagetti strapped na dress.

Itinapon ko sa kanya yung yellow dress at tinamaan naman ito sa mukha, "Put*pete, baket?"

"Ayaw mong magmukhang ballerina pero bar stripper pwede." tawa ko dito.

"Anong stripper, covered naman yung part ng dede ah." reklamo nito at isinukat.

"Yuck." yan lang ang nasabi ko.

Kadiri lang.

Lumuluwa na ayaw pang tigilan.

"Wala ka talagang taste." sabay batok ko dito.

"Ganda kaya, bibilhin ko na." at kumuha ito ng one hundred fifty pesos sa wallet.

Ang mura noh?

***

Ng mabili nya yung damit ay sobrang laki ng ngiti ng bruha.

"Binili mo talaga?"

"Oo nga ayan yung resibo oh." sabay pakita nito saakin ng papel.

"Ew." at tumawa ako ng tumawa.

Nag roll eyes ito, "Bitter ka lang wala kang ka-date ngayon." ngisi nito.

"Ano'ng date."

"Valentines kasi na valentines, wala Trevor mo. Loner ka tuloy."

Aray ha. Through the bones yon.

"So what." pagmamaldita ko naman.

"Ako meron. Gusto mo sumama?"

"Wag na noh. Gagawin mo lang akong chaperone."

"Ikaw bahala."

"Teka. Sino ba ka-date mo loka ka?"

"Hulaan mo." malanding ngiti nito haba ng tumitingin tingin ng facial wash.

"Si Robert?"

"Hinde."

"Luis?"

"Hinde."

"William?"

"Hindi ren."

"Erwin?"

"Matagal na kami'ng wala nun."

"Diego?"

"Break na kami nun ano ba."

"Lando?"

Nilingon ako nito at tinaasan ng kilay, "T*nga Anne. Di ko na kilala yan."

Tumawa ako, dami kasing lalake nitong isa na 'to.

Ayaw ako'ng gayahin.. loyal sa isa.

Diba?

Making Love with Trevor PG13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon