Making Love with Trevor
chapter fifteen
Anne's POV
Nanginig ako sa narinig kong sinabi ni Trevor.
But I still stood up and left.
Siguro, yun na ang pinaka tanga kong ginawa.
Ang tumayo at umalis.
***
Nagmuni muni muna ako ng dalawang araw bago ako bumalik sa chalet.
Pag bukas ko ng pinto ay may mga maleta sa living room.
"Ano nangyari?"
Napalingon ako at nakita si Elle na kalalabas palang sa kusina.
"Anong ano nangyari?" Ngiti ko, "nasaan si Owen?"
Napangiti sya ng mapakla, "umalis na. Diba iniwan mo? Dalawang araw naghintay ng tawag nyo yung tao. Ng tawag nyo ni Trevor. Pero wala. Pinag mukha nyong tanga yung tao."
Bigla akong naguluhan.
Papanik na sana ako ng pigilan ako ni Elle, "nahatid ko na sya sa airport."
"What?"
"Hinatid ko na sya sa airport."
Kumunot ang noo ko, "what the f-ck Elle. Kaibigan ba talaga kita?"
"Wag mong isisi saakin dahil dalawang araw ng patay yang cellphone mo. Nasaan na si Trevor?"
"Hindi ko sya kasama."
"Sinungaling."
"Kung ayaw mo akong paniwalaan Elle. Ikaw na ang bahala. Si Owen ang pinili k--"
"After having s-x with Trevor?"
Napakagat ako sa labi ko.
"Pwede ba Elle."
"Ano Anne? Kinailangan mo pa talagang matikman si Trevor ng pang huling beses para piliin na si Owen?"
"Elle!"
"Ano Anne? Totoo naman ah! Pinag mukha mong tanga si Owen!"
"Tumigil ka na nga Elle! Wala ka na pakielam sa affairs ko kay Owen. Lalo na kay Trevor."
"F-ck Anne! Nagpapaka-demonyita ka na ba?"
Kumunot ang noo ko, "Elle. Ano ba nangyayari sayo? Ikaw ang galit? Ha? Ako ang may problema nito. Gulo ko ito. Sasagutin ko. Wag ka na sumali pa."
Lumapit saakin si Elle.
Galit ito.
Hinawakan nya ang magkabila kong braso, at huminga ng malalim, matapos ay napapikit.
"I'm fond of your boyfriend."
"Wha-?"
Napahawak ang isang kamay nito sa ulo nya, nagiisip, "He's been trying to put you and Trevor together Anne. Tinutulungan ko sya. Pero I can't seem to make up my mind dahil he's down when you're with Trevor. Kaya ipinipilit ko sya sayo. I want him happy."
Napakunot ang noo ko, "does he like you?"
"No. He loves you too much. I can't contrast that."
Biglang humigpit ang puso ko.
"I broke his heart.."
"Yes. You did. Pero sana maintindihan mo na yung paglayo nya ay para sa kaligayahan mo. Ninyo ni Trevor. Don't waste his heartbreaks."
"Should I chase after him?"
"Who?"
"Owen."
Napangiti si Elle ng mapakla, "tapos? Makikipagtalik ka ulit kay Trevor?"
"No.. I'll catch Owen..fix him. Live the life we lived before. Napakabait nyang tao Elle..this is not the way I should repay him.."
"Paanong buhay? Hiding from the reality? F-ck Anne. Don't be stupid. I'll do it."
"Do what?"
"I'll chase him. Owen."
***
Tatlong araw ko na kinokontak si Trevor.
Pero cannot be reached daw ang cellphone nito.
Pinuntahan ko ito sa apartment nya pero for sale na raw ito.
Tinototoo na kaya nya ang sinabi nyang pagpapakalayo sakin?
***
-MissM16
BINABASA MO ANG
Making Love with Trevor PG13
General FictionA story of a guy who is keen in settling down and a girl who is up for his body. Will Making Love beat the pleasure of Pure Sex? Let's find out. (MATURE CONTENTS)