chapter 19

26.1K 176 8
                                    

chapter 19

Anne's POV

"Seryoso ka? Papasok ka ngayon? Ayaw mo manlang bang mag-day off?" tanong ni Elle habang nagkakape'ng pinanonood akong mag-make up.

"Oo kailangan," naglagay ako ng lipstick, "Baka malaman pa ni Trevor, wala akong maisasagot."

"Oh di sabihin mo, may sakit ka." palatak nito.

I turned to her at ibinaba ang lipstick ko sa may bardesk, "Naaalala mo naman siguror nung ikinuwento ko sayong bumalik sya agad agad nung nalamang may sakit ako diba?"

Napataas ang kilay nito, "Oo nga pala knight in shining armour mo si Trevor."

"Ubusin mo na yang kape mo at makaalis na."

"Teka lang, ang aga aga pa. Bakit ba nagmamadali ka?"

"Elle, ikaw, pwede kang pumasok ng kahit anong oras kasi ikaw ang manager dun sa batch nyo, ako, baka mawalan ako ng allowance, kaya tara na."

"Ayan na, ayan na."

***

"Sa isang linggo ko na babayaran yung 40thousand na hiniram ko sa'yo ha. Este sa daddy mo."

"Walang problema don friend," sagot nito habang may ka-text sa cellphone.

"Sino yan?" tanong ko dito, "Si Fajardo ba?"

"Oo eh..nag goodmorning, tinanong kung gusto ko daw bang magpasundo."

Napakunot ang noo ko, uto uto talaga itong si Elle, "Ano sabi mo?"

"Di na. Kasabay kasi kita. Kaya, yun."

"Ah.."

"Pero pauwi siguro, sasabay ako."

"Date ulit?"

"Siguro."

"Elle ha, ang puso mo.. kilalanin mo muna yan."

"Ano ba friend, I find him a very gentleman.."

I rolled my eyes, "Syempre, nanliligaw palang."

"Ito naman, lagi mong ibini-bring down si Fajards."

"Alam mo naman kasing hindi ko sya gusto para sa'yo."

Pumalatak ito, "I know. Pero I want him for me. Suporta nalang." at parang nainis ito bigla.

"Elle di naman sa nahihimasok ako jan sa desisyon mo para jan sa seryosohang lovelife mo.. pero iba lang talaga ang impression ko jan kay Fajardo."

"Anne. Ako na bahala. Kaya ko ang sarili ko. Okay? Kaya ko."

Napabuntong hininga ako, "Sana naman hindi natin pagawayan yang lalake na yan.."

"Ano kaba. Di naman ako ganong kababaw loka. Teka. Maiba usapan, nagparamdam nanaman ba yung tumawag kagabe?"

"Hindi pa."

"Wala manlang thank you o salamat nung nag transfer tayo?"

Kumunot ang noo ko, "Pasalamat ka nagda-drive ako kundi nabatukan na kita. Sino ba namang siraulong blackmailer ang magpapasalamat pagkabigay mo ng pera? Josko."

Napakamot ito sa ulo, "Oo nga naman. Ano daan nalang tayo sa presinto mamayang lunch?"

"Elle, nakapag tanong tanong na ako pagkatulog mo kagabe. Prepaid simcard ang gamit ng demonyong iyon at hindi line. Mahirap i-trace.. 1 out of a hundred ang likelihood na mahahagilap natin yon."

"So you'll just keep giving money?" taas kilay na tanong nito.

"Anong pera ibibigay ko sa kanya. Kita mo namang sayo pa ako nanghiram."

Making Love with Trevor PG13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon